TSH - Chapter 12

47 9 1
                                    


GRADES

Nichole's POV


Lumabas ako ng kwarto na tahimik ang lahat. 

"Anong nangyayari?" nakatunganga sila sa sala. "Tara! Study na tayo. Hooo--study time!"

Nabigla ako sa naging asta ni Manuel. 

Siya + Study = NO WAY.

"Okay ka lang b---"

"Halika na, Nikki. Bilis-bilisan na natin to."

Hinila ako ni Emma papaupo sa couch sa living room. Nag simula silang buksan ang mga libro namin sa iba't ibang subjects.

Hindi na lang ako nag atubuling mag tanong pa. Mukhang sineseryoso talaga nila ang group study nato.  

Ilang minuto ang lumipas at nagugutom na ako. Malapit na rin palang mag 7:00 pm kaya't nag inat-inat na ako.

"Ian, may naluto ka na ba?" tanong ko sabay inat-inat ng katawan. "Of course, may lason pa." napatawa ako ng mahina. "Wag mong iparinig sa kanila HAHAHA"

"Anong lason?" sabat ni Emma sa likod. "Pampatay sayo. HAHAHA"

Nag takbuhan silang dalawa sa loob ng kusina. Sige lang, ang saya niyong tignan eh. Pero may something eh, di ko lang maamoy kung isda o kababuyan.

"Kakain na tayo, diba?"

Lumapit silang lahat sa diner table at... may kulang.

"JANSFER! HALIKA NA DITO!"

Narinig ko ang mga yapak ng paang pababa ng hagdanan at papasok ng kusina.

"Sorry, late ako."

"Wala ka ng upuan tuloy." huminga siya ng malalim at tinignan si Manuel. "Okay lang doon na lang ako sa living room."

"No, ako na dun."

Tumayo si Manuel at sinimulan ang pagdadasal, matapos yun ay kumuha na siya ng pagkain niya at nag lakad papuntang living room.

"Bakit hinayaan mong ang bisita ang nadun?" agad kong tanong kay Jansfer. "Siya ang nag offer eh." bastos?

Ang bilis lang matapos ni Jansfer, na parang may iniiwasan siya sa amin. Tumayo siya at nilapag ang kinainan niya sa lababo, sumunod naman kaming tatlo sakanya pati na rin papuntang living room kung san nandun yung dalawang kumag.

"Ano ba talagang meron boys?" tanong ko ng hindi nagpapansinan sina Manuel at Jansfer. Actually, okay lang naman yun kasi di naman sila gaanong magkakilala pero bakit si Manuel at Ian ang bilis lang?

"Wala talaga, PRAMIS. Right, bro?" ngumiti ng tipid si Manuel. " Yuh. Ano ba kasing problema niyo. Kakakilala ko nga lang sakanya eh."

Lumabas silang dalawa, inilawan naman ni Ian yung mini court namin dito at kumuha ng bola. Lumabas narin kaming tatlo. Eh sa gusto naming manood.

Kinuha ni Jansfer kay Ian ang bola, at hinagis yun kay Manuel.

"Game on."

Nag simula na silang maglaro, di pa naman ako mahilig sa basketball. Maya-maya pa ay napapansin na naming puro foul na ang nagaganap, yun kasi yung sabi ni Ian.

"Wala nga raw'ng problema diba?"

Bumulong sakin ni Emma, natawa ako. Ang sarcastic talaga netong babaeng to. Tsk, itong dalawa naman. Ni hindi nila mapigilan ang tensyon sa court.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon