BABE
Emma's POVWow ah, JUST WOW. Ganun lang yun? Iiwan na agad kami? Naging good news pa? JUST WOW.
Padabog akong lumabas ng kwarto at kumuha ng tubig sa kusina. Napansin ko si Chammy, aso ko, na nakatingin sakin.
"Halika nga dito, Chammy."
Kinuha ko siya kahit may hawak akong baso. Umupo kami sa living room.
"Ikaw na lang siguro ang di mang-iiwan Chammy, mukhang iiwan ako ng isa mo pang mommy, haaayst. Tulungan mo naman ako!"
"Arf.. arf..."
"Bakit di ka na lang kasi mag salita? Pinapahirapan mo ako eh. MAGSALITA KA. Bilis!"
Natakot siya sakin at tumakbo papalabas ng bahay. Ay, sumobra ata ako dun.
Sinundan ko siya papalabas ng gate, dala ko parin yung baso ng tubig. Ilang minuto lang ay huminto si Chammy sa park na... na lagi naming tinatambayan ni Nichole.
"Nakatulong ka talaga, Chammy. Ang galing!"
Umupo ako sa isa sa mga swing na nilalaruan namin mula pa noon. Haaayst, bumabalik lahat ng ala-ala.
Tumunog ang cellphone ko at inaakalang kay Nichole yun galing pero hindi.
1 new message from Babe <3
Boysen. Ngayon pa talaga siya nag text? Wrong timing masyado eh! Hindi ko ito tinignan at nag patuloy lang sa pagmumuni-muni.
Ilang segundo lang ay tumunog ulit ang cellphone ko.
2 unread messages from Babe <3
.
3 unread messages from Babe <3
.
4 unread messages from Babe <3
Tuloy-tuloy ang messages niya kaya't in-open ko ang isa.
Babe <3
Bakit di nag re-reply? Excited na ako mamaya. See you <3
Nag reply ako sakanya na excited rin ako. Lol, ang plastik ko beh. HAHAHA
Ilalagay ko na sana ang cellphone sa bulsa ng suot kong short jeans ng tumunog ang ringtone nito.
"Buti naman sinagot mo ang tawag ko." -siya
"May choice ba ako? Kapal ng mukha mong palitan ng Babe ang pangalan mo" -ako
"Wala ka ba sa mood? Isa pa, tayo naman kasi." -siya
"Ay oo. Nasa mood ako! Ang korni nung babe mo! Ang saya nga eh, diba? Hooo--iiwan na ako ng best friend koooo woooooooh!!!"
"Yeheeeey!" -siya
"WHAT THE HECK!? I'M NOT ON MY---" -ako
"Yuuunn, inamin rin." -siya
Huminga ako ng malalim bago mag salita.
"Ang saya diba?"
"Yeah. Sasama ako sakanya dun"
"Ay, magaling. Iiwan mo rin pala ako"
"No. Hindi ki---"
*tooooooooooooooot*
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Teen Fiction"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"