THE TWINS
Nichole's POV
So yun na nga. Inutusan ako ni mama na pumunta ng mall para bumili ng cheese. Oo, cheese lang. Yun lang yun wala ng iba.
Halos 45 minutes na akong nag aabang ng taxi dito sa labas ng subdivision pero walang nagpapasakay sakin, traffic daw kasi yung daan papuntang mall.
"Para! Pssst--huy!"
Nakatawag ako ng isang taxi, at nilampasan pa ako ng ilang metro.
"Iha, traffic papuntang mall."
Humarurot siya paalis. Hindi ko pa nga nasasabi kung saan ako pupunta eh. G*go ka pala kuya eh! KAYA NGA AKO MAG-TATAXI DIBA!? May alam kayong short cut eh, ang OA niyo!
At yun na nga, wala akong ibang nagawa kundi maglakad ng ilan pang kanto, lumiko, lakad nam naman, para makasakay lang ng jeep. Oo, mag co-commute po ako ngayon.
Nakahanap rin ako TAMANG jeep at nakasakay. Pagka-upo na pagkaupo ko ay chineck ko ang cellphone ko at baka nag message na sina Emma at Roger, mag bo-bonding kami ngayon, ano ba! Matapos akong mag reply ay biglang tumunog ang notification.
Zach Regatta accepted your friend request. Write something on his timeline...
Ay iba. Ilang days na ba yun bago ko siya in-add, ganyan na ba talaga ka dami yung nag a-add sakanya at nababalewala ako? </3 Anyways, ma-stalk nga siya.
Nakita ko agad ang gwapo niyang profile pic. Simple lang ito pero napaka-pogi niyang tignan. Di kagaya nung sa kuya niya, abs agad yung makikita mo. Napansin ko rin yung cover photo niya; siya, si Manuel, si Mr. P, at Mrs. Regatta ang nasa picture at TAKE NOTE ang babata pa ni Zach at Manuel dito (cute) + buntis pa si Mrs. Regatta.
*iiiinnnnggggkkkk* [break po yan]
Napahawak agad ako sa hawakan (obviously) ng biglang magpreno yung jeep na sinasakyan ko. Kuya naman, first time ko po to! Wag mo naman akong bigyan ng dahilan para di na mag commute ulit.
"Mukhang kailangan niyo pong mag lakad papuntang mall, talagang di po gagalaw itong trapik!"
Maraming pasahero na ang bumaba samantalang ako lumalapit kay manong.
"Manong, bayad ko po."
Tinitigan niya ako na parang may ginawa akong masama. May tinuro siyang sign na nag sasabing 'Barya lang po sa umaga'. Tinitigan ko rin yung perang hawak ko.
"Ay sorry po manong. Wala po akong change."
Napakamot siya sa kalbo niyang ulo. Ahhhhmm--ano bang gagawin ko?
"Ahhh sa inyo na lang po ito."
Binigay ko ang pera at bumaba na sa jeep. Yung 100 pesos ko---I mean 90 pesos na lang pala. T____T
"Salamat iha!"
Sigaw nung driver bago ako nakalayo. Pasalamat ka manong at mabait akong tao.
Nakarating din ako ng mall ng puno ng pawis ang mukha ko, ang init po dun sa labas at naglakad lang po ako. Wala pa akong dalang kahit payong man lang. Phew.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Novela Juvenil"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"