TSH - Chapter 23

54 5 0
                                    

GOODBYE

Nichole's POV



Tinitignan ko silang dalawa habang nakaupo sa harapan ko. Pumikit ako at bumuntong hininga. Naramdaman ko ang kamay ni Manuel na hinawakan ang balikat ko.

Nichole: Bitawan mo'ko.

Agad niya akong binitawan ang bumalik sa pagkakaupo. Masakit mang isipin pero di ko kaya ang mga sinasabi ko ngayon.

Binalin ko ang tingin ko sa mga taong nasa gilid ko. Nakayuko sila na parang takot akong tingnan, matagal na nilang alam. Alam ko.

Nichole: Tapos ngayon tutunganga lang kayo? Bakit, kayo ba ang nasaktan?

Naramdaman ko ang pag manhid ng kamay ko ng marealize na dumapo na pala ito sa mukha ni Alexia. Napanganga at napahawak siya sa mukha niya ng maramdamang sumakit ito.

Alexia: How could you d--

Nichole: DON'T YOU ENGLISH-ENGLISH ME, PUNYETA KA!

Natahimik siya sa biglaang pagsigaw ko. 

Nichole: Kung inaakala mong masasaktan ako sa mga sinabi mo, nagkakamali ka. Kahit mapasayo man yang si Manuel, nasa akin parin ang puso niya. Diba?

Tinignan ko si Manuel. Hindi siya makatingin ng maayos sa mata ko. Naramdaman kong tumulo ang isang luha, yun na yun eh.

Di ko alam pero tumawa ako, nanatili pa rin silang tahimik at boses ng halakhak ko lang ang maririnig mo.

Nichole: Langyang buhay to oh. Ang saya natin diba? Bakit ka pa nandito Alexia? Umuwi ka na! Isama mo na rin yang asawa mong di ko alam kung bakit ganyan.

Nasasaktan ako.

Bakit siya ganyan?

Akala ko ba mahal niya pa rin ako? 

Diba dapat ipagtanggol namin ang isa't isa?

Tumayo si Alexia sa pagkakatayo niya. 

Alexia: Mari--

Nichole: Hindi tayo close gurl, wag mong ifeel.

Tumahimik siya sandali bago nag patuloy sa pagsasalita.

Alexia: Matutuloy pa rin ang punta niyo sa Paris diba?

Nichole: Oo naman! Kahit wag mo ng pilitin, aalis talaga ako. 

Naglakad ako papalapit kina Mama pero nilagpasan ko sila. 

Umakyat ako ng kwarto at kinulong ang sarili ko, 


Di ko kayang umalis.




Manuel's POV



Ramdam ko ang tensyon sa loob ng umalis si Nichole. Di ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Birthday pa naman niya.

Emma: Wag mo siyang hawakan.

Alexia: Pwede ko siyang hawakan, asawa ko siya.

Roger: MAGIGING asawa pa lang. Distansya naman bes!

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon