TSH - Chapter 1

330 20 12
                                    



THE START

Nichole's POV


Hindi sa lahat ng oras nagiging tama ang mga desisyon.

Sometimes, you need to understand the word sacrifice.

At hindi ako mag dadalawang isip na gawin ang nararapat.


"Bes, nakita mo ba yung post ni Jenna kagabi?"


Bawat pagtakbo ng oras ay hindi dapat nasasayang.


"NIKKI!!! Go back to Earth!" agad kong nabitawan ang hawak kong laptop at itinigil ang pagsusulat ko ng Wattpad Story. "Ay hala! So-sorry. Ano yun?"

"Alam mo bes, agree na ako sa mama mo. Kokompiskahin na yang laptop mo."

Hala!

Agad kong niyakap ang hawak kong laptop at sumimangot.

"Wag naman Em! Nandito yung buhay ko oh." hinarap ko kay Emma ang laptop at nilapit-lapit pa ito sa mukha niya. Nilayo ko ito at magpapatuloy na sana sa ginagawa kong pagsusulat ng bigla niya itong kinuha. "Oh ayan! Nakikita mo yan? Kitang kita mo ba!?" agad niyang hinarap sa mukha ang cellphone niya. "Oo Em. Kitang kita ko."

Ipinakita niya sa akin ang post ni Jenna kagabi. Tungkol na naman yun kay "Jerome" which is ang ex ko na boyfriend na ni Jenna ngayon.

"Tapos? Ano naman ang titignan ko dyan?"


"The only man that I love. No one can destroy us now <3 -with Jerome Sanchez"


"Heeee kunwaring di nagseselos. Tsk~" sinamaan ko siya ng tingin. "HINDI NAMAN KASI TALAGA!" natawa siya sa inasta ko. "Eh ba't sumisigaw? HAHAHA"

Di ko siya sinagot. Binawi ko ang laptop at nag stalk kay Jerome. Wow! Mukhang ang saya na nilang dalawa ah. #WalangForever. Mag bi-break din kayo.

Kung ako nga iniwan, ikaw pa kaya?

Biglang tumawa si Emma. May saltik na yata tong best friend ko.

"HAHAHA---sinong hindi nag seselos ngayon?"

Ginaya-gaya pa niya ako. Best friend ko ba talaga to? Hahaha. Baliw.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at wala akong balak sagutin. Nyahaha~

"Huy baliw! Sagutin mo, ang ingay ng ringtone." Inirapan ko ang cellphone kahit alam kong walang kwenta din yun. "Ikaw na sumagot. Si Roger ang tumatawag."

Kinuha ni Emma ang cellphone ko at sinagot ang tawag.


"Hellooooo?"

"Baliw. Si Emma to!"

"Ayaw ka niyang kausapin Roger"

"Wag mo na lang dalhan si Nikki ng chocol-----"


Bigla kong inagaw kay Emma ang cellphone at kinausap si Roger.


The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon