TSH - Chapter 34

31 1 0
                                    


PLASTIKAN

Nichole's POV



"Nikki?"

Nagising ako sa pagtawag ng pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Manuel.

"Nikki? Are you okay?"

Tanong niya ulit. Unti-unti kong itinayo ang aking sarili. Kinusot ko ang mga mata ko para makakita ako ng maayos.

"Ano bang nangyari?" tanong na lumabas sa bibig ko. "Nahimatay ka na lang bigla habang nagluluto ka." alalang tanong sakin ni Emma. "Manuel, baka nangyayari n--"

"Shut up, Emma"

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasasabi nila. 

Tinulungan ako ni Manuel na makatayo at pinaupo sa malapi na upuan. "Baka nagutom lang siya, kumuha nga kayo ng niluto niyang spaghetti" utos niya sa iba. "I'm okay, Manuel." sinamaan niya ako ng tingin. "No, you're not."

Kinuha ni Manuel ang plato ng spaghetti. "That's not even healthy for her body" sirit ni Jenna sa gilid. 

Isa pa yan siya. Siguro alam na niya ang laman nung Palabras Secretas. Actually, alam ko namang alam na nila lahat eh. Ayaw lang nilang sabihin sakin. Like duh?

"Nganga" utos ni Manuel habang isinusubo niya ang isang tinidor ng spaghetti. "Para magkalaman lang man ang tiyan mo" dagdag pa niya.

Natapos akong kumain ng busog. Ghad! Thank you Lord.

Nag inat-inat ako bago tumayo. Inayos ko ang suot kong see through ng marealize na hindi pa pala ako nakakapagpalit. 

"Nikki. Matulog ka na kaya" tinignan ko si Roger, "para di mahirapan yang katawan mo"

Tumango tango ako at umakyat sa kwarto. Inalalayan naman ako ni Emma. OA naman neto. "Nikki, wala ka bang nararamdaman man lang na kahit anong sakit ba? o ano man? Answer me honestly ah." 

Natawa ako sa inasta niya. 

Tinulungan niya akong makahiga sa kama at pati siya ay humiga narin kasama ko. "Em, diba matagal na tayong magkaibigan?" napangiti siya. "Oo naman, bakit mo naman yan na tanong?" 

Ngumiti lang ako at di siya sinagot. "Sige, matutulog na ako. Pwede ka ng bumaba" inayos niya ang kumot ko bago umalis. "Good night, Nikki"



*****



Nagising ako ng maalimpungatan ako. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama at 10pm pa. Haaaay, ang aga ko kasing natulog eh!

Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto at baka magising ko ang iba. Baka kasi natutulog na sila. Kukuha lang naman ako ng tubig sa baba.

The Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon