SPORTS FEST 2.0
Zach's POV
Kakarating ko lang mula sa opisina ni papa. Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ni Nichole na kumakanta. Ilang segundo lang ay narinig ko rin ang boses ni kuya.
Napansin kong tumigil ang sigawan ng may mag salita, at si Kuya Manuel yun.
Sa haba ng sinabi niya, isang linya lang ang nagpaguho sa mundo ko.
"Can you be my real girlfriend?"
Parang pinunit bigla ang puso ko. Hindi ko alam pero..... nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.
"At oo. Papayag na akong maging real girlfriend mo"
Hindi ko alam kung saan ako titingin, sa kaliwa may nag hihiyawan pati rin sa kanan.
Nasasaktan ako </3
Jerome's POV
"Kailangan talaga sa harap ng maraming tao maglandian?" tinignan ko si Jenna ng magreklamo siya sa gilid ko. "Tumahimik ka nga Jenna." sinamaan niya ako ng tingin at mukhang nainis na naman siya sa inasta ko. Tsk.
"Wag ka nga. Di ko parin alam hanggang ngayon kung bakit naging kayo, bumabalik na ba ang feelings mo sakanya? Paano na lang yung--Ayst! Nilandi ka ba niy---"
"TAMA NA SABI EH!"
Sumusubro na naman siya sa pagiging maldita niya, di naman bagay sakanya.
Umalis ako sa harapan niya at nag tungo sa backstage.
Nag hahanda na ang ibang contestants para sa Q&A at kami na ni Jenna ang susunod.
"Wag mo nga akong iniiwan ng basta-basta lang. Tsk."
Sinabi niya yun sabay hawi ng buhok niya na parang naghahandang lumusong sa labanan.
"Let us all welcome, Ms. White and Mr. Frost!!!"
Pumalakpak ang lahat sa pagpasok naming dalawa. Sikat kasi "kami" dahil nga daw "perfect" love team.
Kung di lang sana ako napilitan.
"Ms. White, here's your question. Are you ready?" tanong sakanya ng MC. Si Jenna pa talaga ang tinanong mo niyan huh? "Always ready."
"Go gurl!" sigaw ng mga barkada niyang di ko rin maintindihan.
"So, if you are given a chance to rule the world, what would you do?"
Napa-smirk ako. Ang bagay na yan ang gustong-gusto niyang gawin. Mabait naman sana tung si Jenna, di ko alam kung bakit to nag kaganito eh. Mag bago sana siya.
"Well, first of all I will help those people who really needs my help. Then, if there's someone who's going to remove my crown, I will do anything just to make its life miserable. Thank you."
Sa dami ng audience na nandito, mga alipores niya lang ang pumalakpak. SINO BA KASI ANG PAPALAKPAK SA SAGOT NIYA!?
"That is--ahhmm--an incredible answer!"

BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Fiksi Remaja"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"