THIRD PERSON'S POV
*Flashback*
Nakita ni Zhyler na lumabas ng tinitirhan ni Alexia at Manuel ang kanina niya pa hinihintay.
Bumaba siya sa kanyang kotse at hinarangan ang umiiyak na si Alexia.
"What are you doing here, Zhyler? Are you happy now?"
Galit si Alexia rito na konti na lang ay kaya niya ng mapatay si Zhyler.
"Ayan, nagawa ko na ang gusto mo. Iniwan ko na yung si Manuel, isa na akong masamang tao sa mata ng lahat. Kulang pa?"
Inis niyang sabi.
"Yes. Sobrang kulang pa. Di mo pa nga naibibigay sa akin yung kompanya nung kapatid mo eh."
Natahimik si Alexia. "What do you mean? Wala naman sa plano natin to ah."
"Well, ngayon meron na. Kaya ako umuwi dito sa Pilipinas ay para maibigay sa akin ni Nichole ang tinatawag nilang 'trust between friendship'. So gross"
"Ayoko na, Zhyler. Dumarami na ang mga nagawa kong kasalanan!"
"Kung ayaw mo, pwede ko namang patayin si Nichole.:
Mas lalong napaiyak si Alexia sa ginagawang pang ba-block mail sakanya ni Zhyler.
"Fine! Tell me everything"
"Umuwi ka ng Paris and confront your father. Be the badass daughter in front of him. Wag kang tumigil hanggang di niya napipirmahan yung kontrata. Understand?"
Hindi alam ni Alexia kung anong gagawin niya.
Maya-maya lang ay may ipinakitang video si Zhyler sakanya. Video ni Nichole at Manuel na nagsasagawa ng Q&A sa bagong bukas na branch ni Nichole.
"Pag di mo sinunod? BOOOOOOM"
Sabi ni Zhyler sabay tawa.
"Bakit mo ginagawa to? Your my freaking brother!"
"Hephephep. Tandaan mo, ampon ka lang namin Alexiaaaa"
Walang nagawa si Alexia kundi ang sundin ang gusto ni Zhyler. Buong buhay ni Alexia, naging alila siya sa kamay ni Zhyler.
Si Zhyler mismo ang umampon kay Alexia para gawin niyang tuta. Napakasama!
Pumunta si Alexia ng Paris para isagawa ang napakalabag sa kanyang loob na gawain. Hinarap niya ang kanyang totoong ama at ina.
"Alexia, stop. Sa ginagawa mo, mamamatay naman ako eh"
Tanging nasasambit lamang ng kanyang ama.
Pero anong magagawa ni Alexia? Wala. Wala siyang magawa para tigilan ang kasamaang ginagawa niya. Kahit pa masaktan niya ang sariling ama, wag lang ang kapatid niya.
And at last! Nagawa niya ang kailangan niyang gawin.
Akala niya makakahinga na siya ng maluwag but she's wrong! Mas lalo lang lumala. Hindi sinabi ng mama niya na may sakit pala sa puso ang kanyang ama and he can't handle what Alexia's been doing.
Umuwi ng Pilipinas ang pamilya niya to see Nichole, at para doon na rin mamatay ang ama niya.
Kahit na anong sisi ni Alexia sa sarili, Zhyler's plan has been done.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Dla nastolatków"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"