TRIP TO PALAWAN 1.0
Nichole's POV"Nikki! Jenna's waiting on the airport!" Dali-dali kong hinila ang maletang nakahanda sa may salamin at tinignan rin ang sarili ko.
"Oo na! Papunta na po!"
Bumaba ako ng hagdanan at nag paalam kina mama, papa, at Jansfer. See you after 1 week people!!!
"Ian, tulungan mo ko please, ilagay mo sa loob ng van. Thank you <3"
Nautusan ko pa si Ian sa sobrang bigat ng nahanda kong gamit. Pumasok ako sa loob ng van at nakita si Manuel na nakashades. Ang gwapo <3
So ganito kami sa van:
Me - Manuel - Roger
Emma - Space
Driver - Zach
"Wag niyong sabihing mag katabi kami ni Ian -_-" Napangiti ako sa tanong ni Emma. "Dito ka na lang, ayaw kong makatabi tung lovers nato." Kinurot ko ang gilid ni Roger kaya di niya pinalipat si Emma.
"Why me!?" Inis na inis na siguro to. "Cuz, we. love. you!"
Pumasok sa loob si Ian at tumabi kay Emma. Sa byahe namin papuntang airport eh talagang di natin maitatanging ang ingay ng dalawa sa harapan namin.
Ng makarating kami ng airport ay nakita namin si Jenna doong inip na inip na nag hihintay.
"Thank God! Nakarating din kayo! Arrgghh. You all know that I am the queen, and ALWAYS be the QUEEN at walang reyna'ng pinaghihintay! Let's go! Muntik pa tayong maiwan ng eroplano sa kapagungan niyo."
Sumunod kami sakanya kasi talagang nagalit siya. Dadak siya ng dadak. Jusko, nakakabingi siya masyado.
"Sa susunod, wag niyo na akong pinaghihintay. Ang swerte niyo nga at nabigyan ko pa kayo ng ticket -_-"
Sa haba ng mga dinadaldal niya ay nakapasok na pala kami ng eroplano. Hinanap ko ang seat number ko... A17.
Wait... bakit di ko katabi si Manuel -__- Bakit nakatabi ko si Ian at Emma? 4 seats kasi ang magkakatabi---Ako, Ian, Emma, at Roger. Nasa likod namin si Zach na di namin kilala ang mga katabi at nasa harap namin si MANUEL at JENNA na may 2 strangers na katabi. Wow huh?
Opo. Nagagalit po ako kasi magkatabi ang dalawa.
"Suotin mo nga to."
Binigay niya sa akin ang isang itim na sleeping mask. Hindi pa naman ako matutulog huh! Bastos na Ian to, kitang may tinitignan ako diba?
"Hindi ako inaantok -_-"
"Kausapin mo pwet ko. Hindi naman para sa pag tulog ang point ko. Para di mo makita ang dalawa. Sige na, suotin mo na."
Sinuot ko ang sleeping mask. Bakit ba feeling ko kapag sinusunod ko si Ian ay inuoto lang ako. Haaayst. Kinuha ko ang headset sa gilid at sinuot ito. Pinakinggan ko na lang ang "All I Wanna Do" ni Jay Park.
Habang nakikinig ako sa music ay di talaga ako makatulog, pinipilit ko naman pero ayaw talaga! Gumalaw ako, galaw-galaw. Aaarrgghhh!!! Hindi pariiiin. Sumubok pa ako ng ibang posisyon, ng tumagal ay sumakit rin ang paa ko dahil tumatama ito sa upuang nasa harap. Wait, upuang nasa harap?
Sumilip ako sa sleeping mask nakita ang ulo ni Jenna. Sa gilid niya ay nakita ko si Manuel na may suot na headset. Siguro natutulog to, di ko na lang masyadong gagalawan. Tumingin rin ako sa gilid ko ng makita ang ulo ni Emma na nasa balikat na ni Ian. Maya-maya ay biglang nabaling ang atensyon ko sa ulo ni Jenna na mukhang matutulog sa balikat ni Manuel. NO WAY.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Teen Fiction"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"