The End
*2 YEARS AFTER*
Nichole's POV
"Ghad! Late na ako!"
Dali-dali kong isinuot ang heels ko at kinuha ang maliit kong pouch. Bago ako lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng grey na mini dress at bagay yun para sa okasyon na ito.
Okay, this is kinda perfect.
Bumaba ako ng hagdanan at nakita ko agad ang mga kaibigan ko.
"Hala, ba't kulang tayo? Nasan si Jenna?" tanong ko sakanila. "Hindi siya makakapunta. Umuwi muna ng Paris kasama ang kuya niya."
Tumango lang ako sa sinabi ni Zach at dali-dali ng lumabas ng bahay.
"Bilisan niyo nga, mali-late na tayo eh!"
Agad akong sumakay sa sasakyang nakaabang sa amin sa labas. Inayos ko ang ang pagkakaupo ko ng sumunod sina Emma sa'kin.
"Nichole, relax."
"I'm relaxed, Em!"
Tinawanan niya lang ako sa biglaan kong pag sigaw.
"Kompleto na po ba tayo, Ma'am?" tanong sa'kin nung nag aabang na driver. "Ah, opo kuya. Tara na po"
Nagsimulang magmaneho si manong driver papunta sa Jose's Restaurant.
Anyways, we're going to have a dinner tonight. A family dinner with my loved ones. Ngayon pa lang to mangyayari for 2 freaking years.
Ang busy naman kasi namin eh!
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nung kotse habang nakikinig sa tugtog ni kuya sa Radio.
Na e-excite ako dala na rin nung music sa ibabalita ko sakanilang lahat mamaya.
Pero kinakabahan rin ako, di ko kasi alam kung anong magiging reaksyon nila sa sasabihin ko.
"Nandito na tayo" napatingin ako kay Manong Driver ng magsalita siya.
Agad kaming bumaba sa kotse at nakita ang napakagandang view sa paligid ng restaurant. Bagong bukas nila to at kami ang sponsor, gaya ng sinabi ko noon, napakasarap talaga ng pagkain nila rito.
Tumigil muna ako sandali sa labas para ifeel yung sarap ng hangin. Huminga ako ng malalim at pumikit.
"What are you doing here?" napangiti ako ng makaramdam yakap mula sa likod. "Its cold, let's go inside."
Idinilat ko ang mga mata ko at naglakad kasabay niya. Isinandal ko sa balikat niya ang ulo ko at amoy ko agad ang pabango niya.
"Ang bango parin, babe"
Ngumiti siya sakin at binuksan ang pinto.
"Anak!" tawag sakin ni Mama ng makita niya akong pumasok sa pinto. "Hello ma." sabi ko sabay beso sakanya. "Oh hello, Manuel" bati niya rin dito.
Nakita ko agad sa loob ang mga kaibigan ko kasama ang iba ko pang pamilya at pamilya ni Manuel.
Umupo ako sa mesa at roon ay kaharap ko naman sina Mr. P, "Hello po, Mom&Dad" bati ko sakanila ni Mrs. Regatta. Binalikan naman nila ako ng isang matamis na ngiti.
Sa gilid naman ay nakita ko ang kambal na naging dahilan ng pag ngiti ko, may naalala tuloy ako.
Napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto at nakita si Papa.
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Novela Juvenil"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"