"I'm not mad"
Manuel's POV
*The night before*
Napakamot ako sa ulo ko ng tinawag kaming lahat ni Emma para mag-usap. "Ba't nandito yan?" inis kong tanong sabay turo kay Zhyler. "Alam niya din kasi" singit ni Jenna.
Napatingin kaming lahat sakanilang dalawa.
"Teka nga, kayo na ba ni Zhyler?"
Nagtinginan silang dalawa at maya-maya lang ay tumawa ng malakas, humina rin ng pagalitan ni Emma dahil tulog na daw si Nichole.
"No, she's not going to be my girlfriend but..." hinintay namin ang idudugtong niya. Pasuspense pa, "Nichole will do"
Tumayo ako at dinaganan siya. Pinigilan ako ni Zach at hinila palayo kay Zhyler. Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.
HINDI AKO NASISIYAHAN SA PINAGSASABI NIYA.
"Relax. Well, he's my brother"
"WHAT!?"
Sabay sabay naming sinabi yun na parang pinagpraktisan naming lahat. Wait what? Jenna ang Zhyler?
"SO sinabi mo lahat sakanya?" tanong ko. "Yeah. Nakita niya yung diary ni Alexia, may alam din kasi siya."
"Alam niya na ano? Alam niya na alam na ni Nichole? Stupid." natatawa ko pang sabi. "What if alam na talaga ni Nikki?" kinakabahang tanong ni Emma. "That's not going to happen if we're not going to give her the diary"
"Well, what do you think will happen Manuel?"
Sinamaan ko ng tingin si Jenna ng magtanong siya. "I don't know." natahimik kami sandali. "Sabi ko naman kasi sa inyo na ibigay na natin sakanya ang libro diba?" hirit ni Emma.
"You're too late."
"Wag ka ngang makialam dito gago ka" inis kong sabi sakanya. Binalewala niya lang ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nung makita ko si Nichole kanina, may pictures siyang binabasa"
Natahimik kaming lahat.
No way. Baka yun na yun. Ito ba ang alam ni Zhyler? Noooooo hindi pwedeng malaman ni Nichole ang lahat.
"Do you mean, kinunan na niya ng pictures ang libro?"
"Maybe."
Nabuntong hininga ako at pansin kong kinakabahan talaga sila. "Kinakabahan ako Manuel. Di ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa mga malalaman niya. Tandaan mo Manuel, nasaktan na siya dati."
Sa mga sinasabi nila, isa lang naman ang naiisip ko.
"She's not ready yet. Dapat ma delete natin yun sa cellphone niya."
Tinignan nila akong lahat na parang ang laki ng naging kasalanan ko. Actually, malaki naman talaga. "How, Manuel? We don't even know kung nabasa na ba niya lahat"
"Dapat ilayo lang natin siya sa gadgets niya."
Nichole's POV
*Present Time*
BINABASA MO ANG
The Selfish Heart
Teen Fiction"...mamahalin mo pa rin ba ako kahit nasa piling na ako ng iba?"