II

2.4K 54 10
                                    

Jen's POV

Naalimpungatan ako dahil sa ingay at sigawan na naririnig ko unti unti kong iminulat ang mga mata ko at inikot ang paningin

Mulat
Pikit
Mulat uli

Color pink ang kwarto ko at white naman ang loob ng bahay na Khy teka nasan ba ako?! Oo naalala ko sumakay ako sa kotse ng isang lalakeng hindi ko kilala ?! Gosh, oo tama

Agad akong Napatingin sa katawan ko may damit pa naman ako yung soot ko kahapon kaya medyo nawala ang kaba ko

Muli kong inikot ang paningin ko at bumaba ng kama "brrr" "brrr" nakaramdam ako pagkulo ng tyan ko teka hindi ako kumain kagabi pa, sobrang gutom na ko, dahan dahan akong nag lakad ,at dahan dahan ko ding binuksan ang pinto

Teka ang ingay kinana ah san galing yun bakit biglang tahimik? Pag bukas ko na pinto bumungad saken ang medyo my katamtamang laki ng sala at napakagulong bahay yung mga unan sa sofa ay nag kalat

"Mga lalaki nga naman" bulong ko sa sarili ko at napailing eto ba ang bahay nung lalaking yun? At isa pa nasan sya? Bakit walang tao? Sunod sunod kong tanong sa sarili ko

Pero imbis na mag isip pa ay tinungo ko muna ang kusina baka sakaling may pag kain dahil sa gutom na nararamdaman ko , natunton ko ang maliit na lamesa na may nakatakip, pag kain siguro , ng buklatin ko sunog na kanin na may bawang ?

Kakain na muna ako bago mag imis sabi ko sa isip ko

Muli kong isinarado yun at binuklat ang ref ayoko naman mangialam pero first time ko to gagawin dahil hindi ko na kaya ang gutom na nararamdaman ko , ano to? Cupcakes? Ano ba lasa neto seryoso dahil ayaw ako pakainin ni mama nito kasi bawal daw saken. Masyado kasi OA si mama

Nacurious naman ako kaya tinikman ko wala naman si mama eh, walang mag babawal sakin

Napangiti ako ng malaki ng matikman ito,Woah ! Taena Ang sarap pala talaga nito? Ito na ata ang pinakamasarap na natikman ko sa buong buhay ko kinuha ko pa yung lima at inilagay sa lamesa at sinimulang kainin lahat , babayaran ko nalang kung kanino man to hihi

Nate's POV

"GAGO KA JOSH! ibalik mo sabi saken yan!!"sigaw ko kay josh ng agawin nya cellphone ko para basahin ang convo namin ni Kylie pinag babato ko sya ng unan at kasabay nun ang pag tatawanan nila ni Luke

Andito kami sa bahay ni Ken para tumambay well hindi nya pa alam na andito kami , wala kasi sya sa bahay at nakalock pa ang kwarto nya baka tulog pa yun pero bakit naman kaya bukas ang bahay nya?

"Break na tayo Nate bwahahahaha" natauhan ako ng basahin ng malakas ni Josh ang huling text saken ni Kylie at sabay sabay ulit sila nag tawanan pinasa pasa nila ang cellphone ko para lang hindi ko makuha ang lakas ng trip ng mga to tsk napatigil kami ng may narinig kaming yapak sa kwarto ni Ken agad kaming nag tago sa likod ng sofa , balak naming bugbugin si Ken dahil hindi sya pumunta sa party ng girlfriend ni Karlsen

Nagulat kami ng iluwa ng kwarto ni Ken ang isang babae? Napakusot ako ng mata ko seriously? May babae na si Ken? woah imposible ata yun nag katinginan kaming lima nina Luke, Joshua, Karlsen at Paul na mababakas mo ang gulat din sa kanilang reaksyon sabay sabay kaming muling sumilip nakatalikod sya kaya hindi namin makita masyado ang muka nya pero mapapansin mo ang ganda ng pangangatawan sya at maputing balat iba talaga ang taste ni Ken napailing ako

Napatago ulit kami ng humarap sya sana lang di nya kami nakita
"Mga lalaki nga naman" rinig kong bulong nya tinutukoy nya siguro ang kalat na dinulot namin

"Nate kilala mo ba yan?" tanong saken ni Karlsen umiling lang ako bilang sagot, ako tinanong nya dahil mas malapit ako kay Ken napadako ang tingin namin kay Paul ng namumutla syang nakasilip sa may kusina

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon