Jen's POV
"So.. Ate Jen ibig sabihin ba dalawa ang boyfriend mo?" takang tanong ni Ken na ikinagulat ko naman
"Wow! Gusto ko din yan Ate! Yung dalawa ang nag mamahal sakin!" tuwang tuwa sabat ni Mica
"Ate Jen pwede ba yun?" nakabusangot na tanong ni Ken
Napakamot naman ako sa likod ng tainga ko, paano ko ba ito sasagutin?
"Ahh- ano kasi hindi nyo pa dapat iniisip ang ganyang bagay, dapat isipin nyo yung pag aaral nyo"
"Pero diba Ate, mas masaya kung madaming nag mamahal sayo?" nakangiting tugon ni Mica
"No Yhana! Dapat isa lang" nakasimangot na naman si Ken, kanina pa kasi sila nag tatalo. Hindi ko alam kung paano ako sisingit
"Ano bang klaseng turo yan ha Jen?" napatingala ako sa nag salita, nakaupo kasi kami sa ilalim ng puno,
Si Shane pala
"Eh hindi ko alam, nag tatalo kasi sila" umupo din si Shane sa tabi ko
"Kasi Kuya, si Mica, gusto dalawa ang boyfriend nya" kanina pa tuloy nakasimangot si Ken
"Kasi Kuya dalawa din ang boyfriend ni Ate, at mukang masay-mmmmm" tinakluban ko ang bibig ni Mica bago pa nito masabi ang sasabihin nito, bakit ba ganito ka matured ang isip ng mga batang ito?
Nakita ko naman ang pag sulyap sakin ni Shane kaya napaiwas ako
"Ahh- mali yun dapat isa lang" nahihiya kong sagot, kasi naman
"Isa lang? Sino ba talaga ang boyfriend mo Ate?" tanong ni Ken, hay nako wala akong ligtas sa mga batang to, sa bagay mulat na naman sila sa ganitong bagay hindi pa nga lang nila masyadong naiintindihan
Natahimik naman ako, paano ko ba sasagutin to? Ayoko namang masaktan ulit si Shane, muka namang napansin iyon ni Shane at bigla syang umakbay sakin
"Ako....bale Driver nya lang yung kasama nya noon" napatingin ako kay Shane na malapad na nakangiti, napanga nga naman ang dalawa
"Ang gwapong driver naman nun" si Mica kayat gusto kong matawa sa reaksyon nya
"Mas gwapo naman si Kuya Shane!" nag apir pa yung dalwa ni Ken at Shane
"Hay sayang! Akala ko pa man din pwedeng dalawa" si Mica naman ang napasimangot
"Okey Mica, alam muna? Dapat ako lang" nakangising saad ni Ken
"No way" mag kasalubong pa ang kilay ni Mica
"Si Mark ata gusto mo eh" natatawang sagot ni Ken
"Wala! Parehas kayong pandak!" napatawa kami sa away ng dalawa
"Teka nga" putol ni Shane sa away ng dalawa, at napatingin kami dito
"Mica, hindi naman kasi dapat ang panlabas lang ang titignan mo" seryoso itong nakatingin kay Mica
"At Ken, wag mong susukuan ang mga bagay na makakapag pasaya sayo" kasabay nun ang pag titig sakin ni Shane, at napaiwas naman ako ng tingin
Mas lumapit pa sakin si Shane at iniyakap ang kamay nito sa baywang ko kaya napatigil ako
"Pero ate nag tataka parin ako, kung driver mo lang sya, bakit ka nya kinis sa pisngi?"napa awang nalang ang bibig ko sa tanong ni Mica, at ramdam ko ang kamay ni Shane na humigpit ang pag kakahawak sakin
"To make the long story short, inagaw sakin ng driver na yun si Ate Jen mo and then....." tumingin ulit sakin si Shane ng kakaiba
"I'm here.... to Make Her Mine Again" may diin na sabi nito
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez