XLII

942 19 2
                                    

Jen's POV

"Ano!?" Sigaw ng dalawa matapos ko aminin sa kanila ang totoo, hindi ko na kasi kayang sarilihin to at baka sumabog pa ako kapag patuloy ko pa din itong itago, nandito ako sa bahay ni Macy tumuloy matapos ang pag uusap namin ni Gabriel, agad din naman nag punta dito si Tine ng tawagan sya ni Macy

"Oh my!" React ni Macy na hindi makapaniwala

"Oo nga beb! Papabuntis ka lang din naman pala kay Ken pa? AnJan naman ang asawa mo nag hanap pa ng iba" may pag irap pang sabi ni Tine

"Wow ha? Na feel ko yung concern nyo" pag irap ko ding sagot

"Hindi naman sa ganon bes, alam mo naman kung anong trato sayo ni Gabriel tapos nagawa nyo pa yun ni Ken? Paano nga naman mangyayare yon?" Takang tanong ni Macy

"Ganon na nga nasasakal ako kay Gabriel at sanay naman na ko don pero hindi ako maka iwas kay Shane kasi naman sya pumupunta sakin" walang gana kong sagot

"Hindi ka na man bibigay kay Ken kung hindi mo sya...." saglit na tumigil si Tine

"Mahal... umamin ka nga beb mahal mo na sya ulit ano?" Taas kilay na tanong ni Macy

Hindi naman ako makasagot kaya umub-ob nalang ako, tama naman kasi eh.. may pag tingin ako kay Shane hindi ko lang maamin dahil mali itong nararamdaman namin para sa isa't isa

"Oh diba mahal na ng isa jan.. hay nako, ewan ko sayo Ellise" Tine

"Haist noon pa man..Ang angas talaga ni Captain" nag apir pa yung dalawang kong magaling na kaibigan

"Mas maangas kayo, husay e" natatawa kong sabat sa dalawa kasi naman dapat icomfort nila ako eh pero parang mas kinakawawa nila ako true prends talaga sabay tayo at pumunta sa ref para kumuha ng tubig, naramdaman ko naman ang pag sunod ni Tine at kumuha ng tatlong latang alak

Inabot nya sakin ang isa pero umiling lang ako at bumalik na din sa upuan

"Na lintikan na, mahal mo sya eh paano yon?" Tanong ni Tine at muli saking inabot ang alak at this time kinuha ko na iyon

"Gusto ni Gabriel ipalag lag ang bata, nakaka inis lang at kaya nya pala gawin yon" kita ko ang panlalaki ng mata nila ni Macy.. iinumin ko na sana ang alak ng may umagaw dito

"Hep! hep! Hindi ba at bawal sayo to?" Si Luke pala

"Oh babe? Tulog na si Eunice?" Tanong ni Macy

"Oo babe at bakit hinahayaan nyo lang to uminom nito?"

"Sorry nakalimutan ko buntis pala ako" sagot ko, at halos mabilaukan si Tine sa sinabi ko

"Hahahaha.. sira ka beb sa bagay nakalimutan ko din" natatawa parin sya

"Hays mga babae talaga lalakas ng sapak" umiiling na bulong ni Luke na pinaririnig naman talaga samin sabay layas

"Hoy! Hoy! Bumalik ka dito! Bawiin mo yang sinabi mo!" hahabulin pa sana sya ni Macy pero nakatakbo na ito kaya natawa nalang kami, aso't pusa parin tong mag asawang 'to hanggang ngayon

"By the way beb ano ng plano mo?" -macy

"Kahit anong mangyare hindi ko 'to ipapalaglag, mas masakit mawalan ng anak kaysa asawa" deretsa kong sagot

"Tama beb, yan na ang pinaka magandang desisyon na nagawa mo sa buong buhay mo" nakangiting tugon ni Tine

"I agree, basta bes dito lang kami ni Tine, pag kaylangan mo ng tulong bukas lang lagi kami para sayo, isama na natin ang buong grupo" pag sang ayon naman ni Macy at niyakap nila akong dalawa, nakaka gaan lang ng loob dahil kahit na puro problema ay may mga tao parin akong masasandalan

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon