XXXII

726 21 0
                                    

Jen's POV

"Shane!" sigaw ko ng bigla syang natumba

"My ghaad Shane! gumising ka jan!" Tapik ko sa pisngi nito at nanginginig na tinignan ang pulsuhan nya

"Hindi ka pa pwedeng mawala! Shane... please.." naiiyak na sabi ko dito hanggang sa bumibigat na ang mga pag iyak ko, pinilit nyang minulat ang mga mata nito at ngumiti

"H-hindi pa ako m-mawala ang l-layo nito sa bituka mahal p-pakasalan pa kita Ellise.. p-pangako" napangiwi sya sa sakit na iniinda nya sa kanyang tagiliran dahil sa bala ng baril sa tumama doon

Napatulala nalang ako ng pumikit ulit sya at sobrang namumutla na din ang mga labi nya.. narinig ko na din ang pag dating ng ambulansya na hindi ko naman alam kung sino ang tumawag

"Shane please lumaban ka.." naiiyak pa din ako kasabay ang pag dating ng mga tao at isakay sya sa ambulansya.. nanginginig akong tumayo at punong puno ng dugo ang damit at mga kamay

"Anong nangyare!!" rinig kong sigaw ni Zairee na umiiyak na din at saglit nya akong tinitigan ng masama ... sumakay na din sya sa ambulansya habang akong walang magawa.. sobrang nang hihina ako sana hindi nalang ako nag pumilit na mag usap pa kami

Kung ganon.. sino ang may gawa ng lahat ng to? Si-si Gab ba? pero...

"Kaylangan na ho nating umuwe" natauhan lang ako ng tawagin ako ng driver at masama syang tinignan

"May kinalaman ho ba kayo dito?!" pagderetsa ko, hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil buhay na ng mahal ko ang pinag uusapan

"Pumasok nalang kayo.." iwas tingin nitong sagot

"ANO?! SI GAB BA?! HA!?"

"PINLANO NYO TO LAHAT!!? GANON BA!!?" tanong ko habang walang tigil sa pag agos ang mga luha ko

"Please.. Pinatatawag na kayo ni Sir.." parang nag mamakaawa sya sakin

"ANO?! HINIHINTAY NYA AKO?! EDI LUMABAS DIN NA SINET UP NYO TO?!! SAGUTIN NYO HO AKO?!!

Napatigil naman ako ng lumabas ng sasakyan si Gab habang hawak ang baril nito sabay tago.. talagang pinakita pa nya sakin ha? akala nya ba matatakot ako? . hindi ko agad sya napansin dahil nasa unahan ito kanina

"Babae lang hindi nyo mapasunod? umalis kana sa harapan ko.." bulyaw nito sa driver at agad na pumasok sa loob ng sasakyan nito

"Umuwe na tayo hon.." mahinhin nitong pag kakasabi  pero sinalubong ko lang sya ng sampal

"Gab! paano mo nagawa ang bagay na yon!" galit na tanong ko dito

"Hindi ba at nag usap na tayo hon? nalimutan mo na ba? ganon ka ba kabaliw sa lalaking iyon?" mas lumapit pa sya sakin pero hindi ako natatakot sa kanya

"Gab! hindi ko na alam ang gagawin ko.." muli na namang bumuhos ang mga luha ko

"Hindi naman sya napuruhan.. as WARNING palang yon kaya sa susunod hon alam muna.. naintindihan mo?" bulong nya at bigla akong kinalibutan sa sinabi nya kaya tumango nalang ako at kahit papaano nalaman kong hindi naman pala sya ganong napuruhan

"Pasalamat kapa nga concern pa ko at nag patawag pa ako ng ambulansya... Sige na hon pumasok kana.." pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok nalang ako

Tumabi sya sakin at pinag masdan ako pero hindi ko sya nagawang tignan man lang. Masyadong sariwa pa sa utak ko ang mga nasaksihan ko kanina

Hindi ko sya maintindihan.. pinipigilan lang ba nya sarili nya na magalit sakin? sana sakin nalang sya nagalit at hindi na nya dinamay pa si Shane

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon