XXII

797 21 3
                                    

Jen's POV

Sobrang kaba, takot at saya ang nararamdaman ko ngayon, muli ko na namang nasilayan ang pinakamamahal kong bansa

Inon ko ang cellphone ko at agad itong tumunog at binasa kung sino man ang nag text, hindi ako maaabala nina mama o ni Gab dahil ibang sim ang gamit ko

Galing pala kay Tine, may pinasa sya saking address, nag taka naman ako hindi 'to kanila eh, kanino naman kaya 'to? Agad naman ako nag reply at sinend napanganga nalang ako, wala pala akong load .....

Hindi naman siguro ako ipapahamak nina Tine diba? Kaya hindi nalang ako nag dalawang isip na puntahan ang lugar, mamayang gabi nalang siguro ako pupunta kay na Macy, dahil kaylangan kong madaliin ang mga bagay na sinadya ko dito

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address na ibinigay nila, hindi ko alam bakit ako kinakabahan, ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas

Maya maya'y huminto na din ang sasakyan ni manong at nag bayad na ko, pag labas ko tumambad sakin ang magarang bahay, napatitig ako sandali

Napaka familiar nya sakin, pero hindi ko naman maalala na nag punta ako dito? Imbis na mag isip pa ay tumungo agad ako sa malaking gate at sinalubong ako ni manong guard

"Hi?" bati ko pero nakatingin lang ito sakin

"Maaari ko bang malaman kung sino ang nakatira dito?" pormal na tanong ko kay manong, pero naka titig lang sya sakin, kayat napakunot ang noo ko

Winagayway ko pa ang kamay ko sa harap nya at saka lang sya natauhan at napakamot

"A-ano po yun?"

"Tatanong ko lang sana kung sino ang naka-"

"Papasukin mo sya" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may mag salita at parehas kaming napatingin dito

"Sige po sir" sagot ni manong guard at binuksan ang maliit na gate

Isang lalaking medyo may katandaan na subalit bakas padin sa pangangatawan nito ang kakisigan at isa pa, nakakahawig nya si Shane, hindi kaya?

Tumalikod na sya at sumunod lamang ako, nag palinga linga ako at namangha sa ganda ng lugar

"Maupo ka ija" saad nito ng makarating kami sa sala

"Ah-eh" hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang sinadya ko dito para tuloy akong ewan

"Mahal mo pa ang anak ko, alam ko" bigla naman akong napatitig sa kanya, anak?

Muka namang nabasa nya ang reaksyon ko at bahagyang napangiti

"Si Shane Ken ang anak ko kung hindi mo natatanong" napatahimik ako

"Ah- hi-hindi ko po alam kung bakit ako nandito, si Shane? Hindi ko po sya naging kasintahan ikakasal na po ako" pag amin ko dahil pakiramdam ko nag kakamali lang sya

Napangiti na naman sya kaya't nag tataka ako sa kinikilos nya

"Nakiusap ako ija sa mga kaibigan ng anak ko para maka usap ka"

"Para san naman po?" takang tanong ko

"Si Shane ang kasintahan mo, mahal na mahal nyo ang isat isa, Jen anak nakikiusap ako sayo huwag mong hayaang mapahamak si Shane" parang nakikiusap sya, naguguluhan ako

"Opo kakausapin ko sya pero hindi ko po magagawa ang gusto nyo, gaya ng sabi ko ikakasal na po ako" agad kong pag tutol

"Saksi ako anak sa pag mamahalan nyo, maging ang mga kaibigan ni Shane, alam mo ba kung bakit kayo naaksidente?"

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon