XXXVI

617 19 0
                                    

Nate's POV

Kinakabahan ako sa gustong gawin ni Ken, masyadong malakas ang grupong plano nyang banggain ngayon, oo kilala namin sila pero hindi kami nangingialam sa mga gawain nila

"Ken sigurado kana ba?" Paninigurado ko bago namin pasukin ang lumang bodega

Sinamaan lang nya ako ng tingin at tumango nalang ako, lahat talaga gagawin nya para kay Ellise kahit buhay pa nya ang kapalit

Sinipa nya ng malakas ang pinto dahilan para mag likha ito ng ingay

Samin napunta ang mga tutok ng baril at take note napaka dami nila

Pero hindi namin nilabas ang mga dala naming baril, hindi ko alam kung anong balak ni Ken basta kinakabahan ako

"Nervaez!?" Napatingin kami sa gawi ni Gabriel

"Hoy Gabriel!? Gago kaba!? Susugod kang mag isa?" Inis pero tumatawang saad ni Ken sa kanya

"Woah teleserye ba to?" Saad ni James ang punot dulo ng lahat ng to

"Manahimik ka At ilabas mo ang bata!?" Galit na turan ni Ken

"Sino bang gagong yan?" Bulong ni James sa kanang kamay nya

May binulong ang lalaki kay James at bigla tong natahimik

"So Shane Ken Nervaez pala huh?" Tumayo to at tinapik si Ken sa balikat

"Nervaez pwede bang wag kana lang mangi alam?!" Lumapit si Gabriel at kinuwelyuhan si Ken

"Bakit ano bang magagawa mo huh Gabriel? Husto ka lang naman sa yabang eh" ngising turan ni Ken kayat hindi nakapag timpi si Gab at nasuntok si Ken lalapitan ko na sana sila ng sumenyas sakin si Ken na wag ako mangi alam

"Pede na pala ako manahimik eh at kayo nalang ang mag patayan jan" tumatawang ani ni James saka ito tumalikod

"Gago ka Jayme! Ilabas mo sabi ang anak ko!!" Tinutukan nito ng baril si James na lalong kinatawa nito

"Pa!!!" Nilabas nila ang bata na umiiyak at may pasa din habang tinutukan ng kutsilyo ng isa sa mga tauhan ni James.. mga hayop talaga pati bata dinamay

Tinutukan din ni James ang bata sa ulo

"Iputok mo sabog din ang utak ng batang to" panakot nito

"James ibabalik ko naman ang kalahati pero wag mo namang idamay ang pamilya ko!"

"Kelan pa ha Angelo!? Lagpas na sa tinakdang panahon.. binigyan na kita ng palugit para mabayaran mo yung kalahati pero hanggang ngayon wala pa? Ano bumabagsak kana? Nakakatawa ka naman.." humahalak hak na ani nito

"Mag kano ba kaylangan mo ha James!?" Singit ni Ken

"Sampung milyon lang naman.."

"Pwede ba Ken!? Wag ka ng mangi alam! Umalis kana at baka mapatay pa kita!" Galit na turan ni Gab kay Ken

"Bata ibaba mo naman ang pride mo.. dahil kaylangan ko na ang pera" parang naiinis na din si James

Pinutukan bigla ni Gab si James dahilan para mag ka barilan na sa loob.. nag sipasukan na din ang mga tauhan ni Ken at tanging mga ingay lang ng baril ang maririnig sa loob

"NATE!??? KUNIN MO ANG BATA !!" Utos nito at agad kong pinuntahan si gabby, nahihirapan ako dahil masyado silang madami

Ilan na din ang napatay ko pero parang hindi nauubos eh

"Ahhh!" Hayop nadaplisan ako sa binti

Nakita ako ni Ken at agad akong nilapitan

"Sorry Ken..puntahan mo na si Gabriel tulungan mo sya baka pati sya madamay" tumango sya at tinapik lang ako sa balikat

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon