XXXIV

666 22 2
                                    

Shane's POV

Parang tumigil ang mundo ko, ng makita ulit sya, ang nag iisang babaeng minahal ko, ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mag mahal ng iba, ang dahilan kung bakit ako nabuhay

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko gusto ko syang yakapin, pinagmasdan ko ang kabuoan nya at napaka ganda parin nya

"Papa wish kana bago mo iblow ang kandila" saka ko lang naalala ang pinunta ko dito at agad na lumuhod

"Anak okey ka lang ba? Akala ko may nangyare na sayong masama.." nag aalalang tanong ko

"Okey lang ako pa, tinulungan ako ni teacher at mga classmates ko para isurprise ka"

"Talaga ba" nakangiting tugon ko

Tumayo ako at muling tumingin kay Ellise saka pumikit at hinipan ang kandila

"Pa anong wish mo?"

"Ahmm secret" natatawang sagot ko naramdaman ko na palapit si Ellise para naman gusto ng lumabas ng puso ko sa kaba

"Happy birthday" nakangiti nitong bati, shit para akong tangang hindi alam ang irereact, baka hindi ako makapag timpi at mayakap nalang sya

"T-thanks.." nasabi ko nalang, at mukang pati sya nabigla na nagkita kami

"So its already 4 na din, hintayin nyo nalang mag susundo sa inyo" bakit ba napakaganda mo parin Ellise, napapatulala ako sa kanya sobra ko syang namis

"Ellise pwede ba tayong mag usap?" Pag deretsa ko pero parang nag aalinlangan sya

"Im sorry... pero kaylangan ko na ding umuwe" tumalikod sya at agad ko namang hinawakan ang braso nya para pigilan, para naman ako nakuryente ng dumulas ang kamay ko at tagpuin ang palad nito

Parang ayaw ko na syang bitawan, napaka lambot ng palad nya gaya ng dati at hinahanap hanap ko parin sya

"Shane..." hindi ko alam bakit ako natuwa ng marinig ko ulit na tawagin nya ako sa pangalang yon

"Ellise please kahit sandali lang.." nakikiusap ako sa kanya pero inagaw lang nya ang kamay nya

"Shane tumigil kana pwede ba?" Pinipigilan nya emosyon nya pero alam ko ano mang oras bibigay din ang mga luha nya

"Ellise please.." kita ko sa mga mata nya ang pangungulila, alam ko may nararamdaman pa sya para sakin at masaya ako para don

Umiling sya at kita ko ang pangingilid ng mga luha nya, tinalikuran nya ako at nasasaktan ako sa ginagawa nya

Kaya hinila ko ulit sya at isinandal sa pader dahil gusto ko talaga syang makausap, hindi ko alam pero sabik na sabik ako sa kanya

"Ano ba nakikita tayo ng mga bata..!" Pabulong na sigaw nito at pilit na inaagaw ang kamay pero mas hinigpitan ko ang hawak ko dito

"Bibitawan lang kita pag pumayag kang makipag usap sakin.." pag pupumilit ko at masama nya lang akong tinignan

"Mom!" May batang pumasok at tumatakbo papunta sa kanya kaya agad kaming napakalas at lumuhod 'to sa bata

"Gabby?! Napa away kana naman ba?!" Tanong nito sa bata

"Ma umiiyak ka ba?" Tanong nya imbis na sagutin ang tanong ni ellise

"No.." agad nitong iling

Napatingin ang bata sa gawi ko at masama akong tinignan

"Anong ginawa mo kay mom!?" Malakas na sigaw nito at nag kuyom pa ng kamao

"Gabby yung pananalita mo ha?! Halika na umuwe na tayo.." tumayo sya at hinawakan ang bata, nag salita pa sya bago umalis

"Shane tigilan mo na ako, masaya na ako at piliin nalang natin ang tahimik na buhay... pag aralan mong mahalin si Zairee at ang pamilya mo" saad nya at tuluyan na kong tinalikuran, bigla nalang bumagsak ang isang luha ko habang pinag mamasdan sya palayo

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon