Shane's POV
Makalipas ang labing limang minuto ay narating na din namin ang peryahan, unang bumungad samin ang napakalaking ferris wheel at bakas sa muka ni Ellise ang excitement na nararamdaman nito, sobra na talaga akong nag tataka sa babaeng to
"Sang bundok ka ba nang galing?" tanong ko kay Ellise
"Ang sama mo" nakasimangot nitong sagot
"Nacurious lang ako masama ba" natatawa kong sagot at napakamot sa batok
"Umayos ka Shane ha" banta nito at bumitaw sakin para tumungo sa mga sidera, napatingin sya sa itaas kung saan naroon ang mga couple shirt
"Gusto mo?" tanong ko at umiling sya, hays bat ba ang tanga ko nakalimutan ko may boyfriend na nga pala sya mali fiance pala tss
Sinusundan ko lang sya habang tumitingin tingin sa mga nagtitinda, hindi mahirap mahalin si Ellise dahil unang una napakasimple nya at napa inosente
"Shane oh" napatingin ako sa hawak nyang maliit na bagay
"Huh?" pag ulit ko at kinuha iyon saka tinitigan, ferris wheel na may puso sa gitna
"Souvenir natin first time ko lang makapunta sa gantong lugar eh" nakangiti nyang sabi at ginulo ko lang ang buhok nya
"Konti nalang Ellise mapapagkamal-an na talaga kitang taga bundok" natatawa kong pang aasar sa kanya at sinuntok lang nya ako sa tyan
"Aray! biro lang grabe!" tumatawa kong sambit at hinawakan ko ang kamay nya
"Ellise gusto mo sumakay dito?" sabi ko at hinarap sa kanya ang binigay nya saking souvenir
Ngumiti sya kasabay ang pag lungkot ng muka nito
"Bakit Ellise? May problema ba?" takang tanong ko
"Wala" sagot nya
"Yun naman pala eh, halika na" sabay hila sa kanya pero mababakas mo ang pag aalinlangan, natatakot ba sya?
------
"Ang taas naman" sabi nya ng nakatingala habang pinag mamasdan ang ferris wheel
"Oo, alam mo bang first ko lang din sasakay jan?"
"Talaga?" hindi nya makapaniwalang tanong
"Sabi nila mahilig daw talaga ako sumakay jan pero simula nga ng aksidente ay wala na akong maalala, ayun hindi ko din na alam ang pakiramdam dahil simula nun hindi na ulit naulit ang pag punta ko dito" sagot ko ng nakatingin sa mga mata nya
"Aksidente?" takang tanong nya alam kong mag tataka sya
"Oo mamaya na natin pag usapan yan at may kaylangan din ako itanong sayo, okey?" tumango naman sya, nahanap lang ako ng magandang timing para itanong sa kanya ang tungkol sa bagay na yun
"Teka Shane" pigil nya
"Bakit?"
"Gusto ko naman kaya lang..." panimula nya at biglang yumuko
"Kaya lang ano?"
"Hindi ako pwede Shane"
"Andito naman ako, wag kang matakot" sabi ko at niyakap sya
"Hindi ako natatakot, dahil bawal sakin ang sumakay sa mga rides, bilin sakin ng doktor" malungkot nitong tugon at bigla naman ako nakaramdam ng awa, kaya siguro sabik sya sa mga simpleng bagay
"Wala ka naman sigurong sakit sa puso?" tanong ko at tumango sya
"Sige na, ako bahala sayo kung yung asthma mo ang inaalala mo dahil baka kabahan ka ako basta ang bahala" nakangiti kong paliwanag
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez