Gab's POV
Hindi ko na alam kung gaanong kabilis ang takbo ko basta ang gusto ko lang ay makarating agad bago paman sila magalit at mawalan ng pasensya
Nang makarating ako, isang katahimikan ang bumalot sa buong lumang building at tanging kaba lang ang nararamdaman ko, wala na sila at para akong napako dahil sa isiping nag lalaro sa utak ko
"Ellise.." tanging nasambit ko at agad na kinuha ang cellphone ko para tawagan sya, nag kang huhulog pa ang cellphone sa kamay ko dahil sa pag aalalang nararamdaman ko para sa asawa ko
Nabuhayan ako ng loob ng sagutin nya ang tawag subalit nawala din iyon ng may marinig akong kakaibang tunog sa kabilang linya, tunog iyon ng malalakas na katok kayat agad akong nataranta
"Hon!" Bungad ko dito
["Gabriel!? N-nasan ka!?"] Halatang natatakot sya
"Hon! Kahit anong mangyare wag na wag mong bubuksan ang pinto naintindahan mo!! Hon malapit na ako!" Sigaw ko dito kasabay ng pag sakay ko sa sasakyan ko
["O-oo!"] Halos kapusin sya ng hininga dahil sa takot na bumabalot dito, gusto ko syang yakapin para mawala ang takot nya
"Hon!? N-nandyan kapa ba!?" Tanong ko ulit ng manahimik sya at wala na din ako naririnig na mga katok, kayat halos mawalan ako ng kontrol sa sasakyan ko
["G-gabriel n-nasa kwarto ako! Hon a-anong gagawin ko!??"] Napalunok ako dahil sa inis ko sa sarili ko
"Hon.. pumunta ka sa likod at doon ka lumabas, bilisan mo!" Nanginginig ako habang sinasabi iyon,
["S-andali papunta na ko"] halos pumiyok na sagot nito
"Hon.. malapit na ako" pag papakalma ko sa kanya kahit na alam ko na malayo pa ako
["Hon.. n-nakalock sa labas!?"] Sa lagay koy umiiyak na sya, Napapreno ako ng maalalang ni lock ko pala iyon at nasa akin ang susi, nasuntok ko ang manubela at naisubsob ang sarili
"Hon.. im s-sorry, hon gawin mo lahat, iharang mo lahat ng pwedeng iharang sa pintuan!" pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na para akong dinudurog sa mga hikbi ng asawa ko, ang tanga tanga ko na dahil sobra kong pinag hihigpitan sya ay mas mapapahamak sya dahil sakin
Isa lang ang naiisip kong paraan pero...
Napalunok ako at umiling, ako dapat ang mag protekta sa asawa ko at kahit kelan hinding hindi ako hihingi ng tulong sa lalaking iyon
Mas pinaharurot ko pa ang sasakyan ko dahil sa paraang naiisip ko at naiinis ako para don, kaya ko protektahan ang asawa ko pilit kong siksik sa sarili ko
["Hon.."] napalunok ako ng marinig muli ang boses nya
"Hon.. ngayon pumasok ka sa kwarto at wag na wag kang lalabas!"
["Hon n-natatakot ako"] bumagsak na ang paisa isang luhang kanina ko pang kinikimkim
"Ssshhh.. nasan na yong matapang na Ellise na nakilala ko?" Mahinhin kong saad dito para man lang mabawasan ang takot nya
["Hon n-natatakot ako!!"] Umiiyak na sya kaya mariin akong napapikit
"Hon, hindi kita pababayaan ha, wag ka ng umiyak hindi mo alam ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig kitang umiiyak" pilit ko parin syang pinapakalma
Hanggang sa nawala na ang linya ng tawag, napangiwi nalang ako at nag pokus sa pag mamaneho
Ilang minuto pa ang lumipas ng mag ring ang cellphone ko at agad din iyong sinagot
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez