Final Chapter

1.1K 19 1
                                    

Shane's POV

"Mahal, alam kong magiging mahirap ito para satin, alam kong sobra kang mag aalala samin ni baby, pero Shane mahal ko, pinapangako ko na ito na ang huling pag subok na pag dadaanan natin, ito na ang huling beses na mag kakahiwalay tayo at matapos nito ay wala ng makakapag hiwalay satin... sana ay mag tiwala ka sa pag mamahal ko gaya ng pag titiwala ko sayo.. alagaan mo ang sarili mo dahil pakakasalan pa kita :) mag iingat kayo ni Eken lalong lalo kana.. tandaan mo lang Shane na mahal na mahal kita at kahit anong mangyare UUWIAN KITA"

-Jen ❤

Nahalikan ko ang sulat na iniwan nya sakin, araw araw ay binabasa ko ito, araw araw ay hinihintay ko sya, nakakainis lang dahil hindi sya personal na nag paalam sakin pero siguro ay iniisip din nya na mas mahirap gawin iyon

"Jen halos isang taon na, bakit wala kapa? Namimis na kita.. sobrang miss na kita" malungkot kong kinakausap ang litrato nya

Walang araw ang lumipas na hindi ko sya namimiss, hindi na din ako kumukuha ng katulong simula ng umalis sya dahil gusto ko na ako mismo ang makikita nya sa bahay na ako mismo ang sasalubong sa kanya sa araw ng dumating sya

Malinis ang bahay, napunasan ko na ang mga alikabok, nadiligan ko na ang mga halamang sya mismo ang nag tanim

"Jen nakailang bulaklak na itong mga halaman mo at nag lagas na din pero ikaw? Hindi ka parin bumabalik" muli ko na namang nasabi habang nakatingin sa mga namumukadkad na mga bulaklak

Diniligan ko sila, lalo na ang mga rosas na bago palang bubulaklak, napapangiti tuloy ako mag isa

"Kayo ang kukunin kong mga bulaklak sa araw ng kasal namin, kaya kayo? pag patuloy nyo lang ang pag paparami ng magaganda para mas lalong gumanda ang bride ko" kausap ko sa mga ito

"Atska wag kayong maiinip ha.. gaya ng pag hihintay ko sa kanya, mag parami lang kayo ng sa ganon ay matuwa sya kapag dumating at bibigyan pa nya kayo ng mga kasama" dugtong ko pa

"Oo hindi kami mag sasawa papa Ken" napatingin ako sa likod ng makita ang mga mokong na to kaya sila ang pinasiritan ko ng tubig

"Hahahahaha!" Tawa ng lima at kanya kanyang iwas sa tubig

"Ano tol? Kahapon lang matino kapa ah.." -Paul

"Hahahhahaha!" halakhak na naman nila

"Oo nga tol, ano ng nangyare!?" Pag tapik pa ni Nate at nag pipigil pa ng tawa ang loko

"Mga gago! Ano na namang gagawin nyo dito? Mang gugulo na naman kayo" naiiling na sabi ko, simula ng umuwe sila dito parang nag balik ang dating samahan na walang araw na natatahimik ang mundo ko

"Shot muna tayo bro at baka matuluyan ka, hahahaha!" akbay ni Josh

"Pass tol at susunduin ko pa si Eken" pag tanggi ko ng batukan lang ako ni Luke, gago to ah ngayon binabatukan nalang nila ako? Kaya binatukan ko din sya

"Aray! Sinundo na ni Macy at sa bahay na muna, kaya wala ka ng ipapalusot pa" si Luke habang hinahaplos ang batok nya

"Go.. mamili na kayo" walang ganang sagot ko habang tinatapos ang pag didilig, wala naman na akong magagawa sa mga to eh

"Oh patak patak!" -Paul

"Wala akong dalang cash pre.." -Josh

"Lol.. wala din ako, nag bayad ako sa bahay eh" -Karlsen

"Lalo naman ako.. hinoldap ako ng asawa ko kagabi" -Napapakamot na sabi ni Luke kaya napunta ang tingin nila kay Nate

"May date kami ng girlfriend ko mamaya kaya wala kayong mahuhuta sakin" agad na sagot nito

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon