Naalimpungatan ako at napayakap sa sarili ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin, unti unti ay iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang napakadaming bituin na nakapalibot sa maliwanag na buwan, napangiti ako dahil sa sobrang ganda
Nag palinga linga ako sa paligid, andito parin pala kami sa Secret Garden, may tent na sa harap namin, may makapal na latag at mga pag kain, nakaramdam naman ako ng gutom sa mga nakita ko pero saan naman kaya ito galing?
At isa pa ganoon na ba ako katagal nakatulog? Sa bagay simula pag alis ko sa States ay halos walang pahinga at walang tulog
Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog, nakatagilid sya paharap sakin at nakayakap habang nakaunan naman ako sa braso nito
Tumagilid din ako para mapag masdan ang muka nya
"Hindi ko maintindihan kung bakit pa tayo pinag tatagpo kung pag lalaruan lang din naman tayo" saad ko at hinawakan ang tungki ng ilong nya, medyo gumalaw sya
"Sige, mag pahinga ka muna Shane, alam kong ang dami at hirap na pinag dadaanan mo" sabi ko pa at tumayo para sana maglakad lakad, ng bigla nya muling hapitin ako palapit sa kanya kayat napahiga ulit ako sa braso nito
"Wag muna kong iiwan Jen" napatingin ako kay Shane, nakapikit ito at mahimbing pading natutulog, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya
"Paano ko iiwan ang gantong klaseng lalaki? Halos walang tinirang pag mamahal para sa kanyang sarili" hinaplos haplos ko ang buhok nito
Maya maya ay sinubukan ko ulit bumangon pero sadyang napaka babaw ng tulog nya dahil konting galaw ko lang... nahigpit ang yakap nya sakin
Sinubukan ko ulit hanggang sa matanggal ko na yakap nya sakin saka muling tumingin sa muka nya
"Shane, alam kong sobra kang masasaktan sa magiging desisyon ko, hayaan mo sana munang pag isipan ko ito sa ibang bansa dahil hindi naman ako pwedeng mag tagal dito"
"Siguro nga mahal parin kita dahil nahihirapan akong basta iwan ka, alam kong hindi awa ang nararamdaman ko para sayo kundi pag mamahal, hindi ko tinatanggi iyon" saka ko sya hinalikan sa ilong, tumayo ako at muling tumingin sa kanya,
"Mahal na mahal kita Shane" parang namumuo na naman ang mga luha ko kaya tumalikod na ako
"Maaari bang mag mahal ng dalawa?" tanong ko sa sarili ko, hindi naman pwedeng dalawa ang mahalin ko dahil maling mali iyon
**
Shane's POVNagising akong may mga luha ang mata ko, nag papasalamat ako dahil panaginip lang iyon.....
Panaginip lang na iniwan ako ni Jen
Agad kong hinanap si Ellise ng hindi sya nahagip ng mga mata ko,
Ng wala sya sa palagid, unti unti akong kinabahan, bumibigat na din ang pag hinga ko, at ng mga mata ko
Naiisip ko palang na iniwan nya na ako, para na akong dinudurog, bago ko pa hindi mapigilan ang emosyon ko ay tumayo na ako para hanapin si Ellise,
Sa bawat takbo lakad na hindi ko nakikita si Jen ay para akong nanghihina, hanggang sa nalibot ko na ang buong paligid ay wala ang babaeng mahal ko
Gusto kong mag wala at mag sisigaw. Napaupo nalang ako at nag simula ng bumuhos ang mga luha ko, sa pangalawang pag kakataon ba? Mangyayare na naman ito samin? Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at pinag susuntok ang sahig, nag dudugo na din ang mga kamay ko pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko
"Bakit ba napaka hina ko pag dating sayo Ellise?" tanong ko sa sarili ko sa pagitan ng pag iyak ko
"Alam kong mahal mo ako Ellise, nahihirapan ka lang dahil ayaw mong biguin ang mga magulang mo, tutulungan kita pero hindi sa gantong paraan, dahil para mo na akong pinapatay sa sakit" para na akong tangang kinakausap ang sarili ko, pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na hindi nya ako iiwan
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez