XXXIX

525 16 0
                                    

Gab's POV

"Isang lapit pa sa asawa ko pasasabugin ko na yang bungo mo! kasama ang anak mo!" pagbabanta kong saad sa kanya

"Sigurado ka ba talagang asawa mo sya?" Nakangising tugon nito na lalong kina init ng dugo ko

"Asawa ko sya! Wag kang mag bulag bulagan gago ka!" Dinuro duro ko pa sya dahil ano mang oras baka mapatay ko tong gagong to

"Eh anong sinasabi ng mga papel na yan?" Hinagis nya sa harapan ko ang mga papel, hindi ko alam bakit ako natatakot na damputin to, iniwan na ako ni Ken saka ko pinulot ang mga papel na nasa ibaba

Nasa unahan palang ang nababasa ko para agad akong nawala sa wisyo, at biglang nanlabo ang mga paningin ko, paano ito nagawa sakin nina tito?

Paanong pineke nila ang kasal namin ni Ellise? Anong dahilan? Ginasumot ko ang mga papel habang patuloy ang pag agos ng mga luha ko

"Hindi to pwede.."

Nag madali akong umuwe ng bahay kahit na may dapat pa akong kitaing napaka halagang tao, gusto ko makita ang asawa ko at yakapin, hindi ko sya kayang mawala sakin

Sobrang bilis ng patakbo ko kasabay din ang puso ko sa bilis ng tibok nito, halo halong galit, pag kadismaya at pag aalala ang nararamdaman ko, sigurado akong hindi din 'to alam ni Ellise

Pag karating ko agad akong pumasok at muli na namang tumulo ang luha ko ng makita sya, nilapitan ko sya habang mahimbing na natutulog sa sofa

Binuhat ko sya at dinala sa kwarto, mukang nagising ko sya, kaya agad kong pinunasan ang luha ko

"Hon u-umiiyak ka ba?" Malambing na tanong nito na halatang antok pa

"Mahal na mahal kita hon at mangako ka sakin na kahit anong mangyare hindi mo ko iiwan" pinipilit kong ayusin ang boses ko habang mahigpit kong hawak ang mga palad nya

"Promise hon hindi kita iiwan" hinalikan nya ko sa labi at ngumiti

"Umaasa ako Hon, na ako lang" bigla naman syang napatahimik na nag pakirot muli sa puso ko

"Ako lang naman diba?" Pag ulit ko saka ko sya niyakap ng mahigpit, naramdaman kong yinakap din nya ako pabalik

"Hon pagod ka, mag pahinga ka at ipag luluto kita" tatayo sana sya ng hilahin ko sya pabalik at ikalong sakin

"Dito ka lang sa tabi ko" siniksik ko lang ang muka ko sa leeg nya, basta gusto ko nararamdaman ko ang mahal ko sa tabi ko, hindi ko sya kayang mawalan sakin, nahiga kami at ikinulong ko lang sya sa bisig ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

-----------

Jen's POV

Nag aalala ako kay Gabriel, mukang pagod na pagod sya kaya sya nag kakaganito sana naman hindi sumulpot dito si Shane

Ilang araw na din umuuwing lasing si Gab hindi ko naman masisi dahil siguro nga kaylangan din nya ng time para sa sarili sya pero sana naisip nya din ako, although nakaka alis padin naman ako dahil kay Shane

Hays sobra na ang kasalanan ko, alam kong may asawa na ako at dapat akong umiwas kay Shane pero wala eh, wala akong magawa, gusto ko din yon kahit mali, napabuntong hininga nalang ako

Nilalaro ko lang ang buhok ni Gab habang si Shane ang nasa isip ko? Ano yun? maling mali talaga 'to

Napaka samang tignan na ako pa talaga yung nag tataksil samin ni Gab? paano ba to?

Bzzzzt...Bzzzt..Bzzzt

Nawala ako sa pag iisip ng mag vibrate ang cellphone ni Gab, gigisingin ko sana  sya pero kaylangan nya mag pahinga kaya ako nalang siguro ang sasagot at sasabihin ko nalang sa kanya mamaya kapag nagising na sya

[Aba Gabriel!?? Ayoko sa lahat yung pinag hihintay ako! Nasan kana bang gago ka!??"] Bungad agad ng lalaki sa kabilang linya na ikinainit naman ng ulo ko

"Pwede ba mag hinay hinay ka sa pananalita mo?! Mas nakaka gago kayo eh!" Inis na sigaw ko din sa kabilang linya, rinig ko din ang mga tawanan nila ... tsk mga adik

[Asawa nya ata yan boss..] rinig kong sabi nung isa

"Oo asawa nya to! At kung ginaganyan ganyan nyo lang din pala ang asawa ko.. aba! Tumigil na kayo ha! Hindi nakakatuwa!" Mas lalo lang lumakas ang tawanan nila.. ano ba kasing nakakatawa sa mga sinasabi ko?

[Fine, tutal wala pa syang kakayahang mag bayad mukang alam ko na ang mas magandang ipambayad nya.. hindi ko na papupuntahin ang asawa mo kami nalang ang pupunta jan .. bye sweetie see you later....] napairap nalang ako sa sinabi ng gagong yon

"Wait lang..." pag sagot ko pa ng may biglang umagaw ng cellphone sa kamay ko

"Ellise sinong tumawag!?" Parang kinakabahan nyang tanong

"H-hindi ko kilala hon" muli nyang tinignan ang cellphone nya

"Anong sinabi mo sa kanya!?" Natataranta parin sya.. bakit ba

"N-na wag ka nyang ginagago gago, wag kana mag alala hon hindi na nya siguro gagawin ulit yun"

"Hon naman!" Napa takip sya sa muka nya, kasalanan na ba agad ang nagawa ko? Tss

"Diba sabi ko wag mo pakiki alamanan ang cellphone ko!!?" Bahagya naman akong napatungo dahil sa sinabi nya, mukang nagalit ko sya

"Sorry ayoko lang naman maistorbo ang pag papahinga mo eh" pag hingi ko agad ng tawad

Lumabas sya at muling tinawagan ang tumawag sa kanya kanina

Pag balik nya mukang galit nga

"Hon sorry na.. nasaktan din naman ako, kasi naman sobra kang sigawan ng taong yon" paliwanag ko

"Hindi mo sila kilala hon, sige na kaylangan ko ng umalis at babalikan kita agad wag kang lalabas ng bahay ha? Sandali lang ako" hinalikan lang nya ako sa noo at nag madaling umalis,

"Teka Gab...!" hinabol ko pa sya pero patakbo syang umalis, ganon na ba talaga ka importante ang gagawin nya? Hindi ko pala nasabi na yung mga tumawag nalang ang pupunta dito at wag na syang papuntahin

Sinubukan kong tawagan ang phone ng hindi ko ito nahabol pero wala na pala akong load

Napag desisyunan ko nalang na ipag patuloy na basahin yung librong binigay sakin ni Shane, patago ko pa yung binabasa dahil ayaw ni Gab

Maya maya ay sunod sunod na malalakas na katok ang narinig ko mula sa labas

At kasabay din non ang pag ring ng phone ko

-----

Short UD po muna ;D
Ang mahalaga naiisingit ko ang wattpad world 😅😊

Thanks sa iilang nag vovotes HAHA ❤ okey lang naman sakin sa mga silent readers enjoy 😊😊

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon