Jen's POV
Nagising akong masakit ang buong katawan at kumikirot padin ang bandang puson ko kayat napahawak ako dito
"Mahal gising kana, sandali at tatawagin ko lang ang doctor" masayang bungad sakin ni Shane at lumabas sandali, inikot ko ang paningin ko dahil hindi mahagilap ng mata ko si Gabriel o sadyang wala sya dito?
Natigil ako sa pag iisip ng pumasok si mama at napangiti ako ng makita sya muli, namiss ko sya agad
"Anak may masakit pa ba sayo?" Niyakap agad ako ni mama
"Opo ma.. hindi ko masyadong maigalaw katawan ko" pag amin ko
"Hayaan mo anak nakulong na ang mga gumawa sayo nito" saad ni mama at naisip ko yung nagawa ko dun sa lalaki, at sariwa pa sa utak ko ang pag baril ko sa kanya
"M-mama k-kamusta po yung lalaking.." hindi ko na natuloy ang tanong ko ng takpan ni mama ng daliri ang bibig ko
"Ssshhh.. nasa hospital sya at nag papagaling para harapin nya ang mga kasong isinampa sa kanya ni Ken, napatunayan din na selfdefense lang ang nangyare" gumaan naman ang loob ko dahil buhay sya, baka hindi matahimik ang konsensya ko kung napatay ko ang gagong yon, kahit napaka gago ng ginawa nya hindi ko parin kayang pumatay ng tao
"Salamat ma.. s-si papa po?" Hinaplos haplos ni mama ang buhok ko
"Nasa labas, sa kabilang kwarto kausap si Gabriel" napakunot naman ang noo ko, bakit sa kabilang kwarto? At isa pa bakit wala sya dito? Nakakapag taka naman na wala ito sa tabi ko sunod sunod na tanong ng isip ko
"Teka ma?" Tiningnan ko sya ng nagtataka sapat na para makuha nya ang tanong ko
"Siguro nagtataka ka kung bakit si Ken ang kasama mo? At sya din ang nag ligtas sayo.. naaksidente kasi anak si Gabriel kaya hin-"
"N-naaksidente?! Kamusta na sya ma!?" Pag aalala kong tanong "ahh!!.." napahiga ulit ako dahil bigla akong kumibo
"Nak wag kang kumilos at hindi ka pa magaling, okey lang si Gabriel wala ka dapat ipag alala" kahit sinabi ni mama na okey lang sya ay nag aalala parin ako
Napatingin ulit kami ni mama sa pinto ng mag bukas ito at pumasok si papa at si Gabriel, naawa ako sa kalagayan ni Gabriel dahil naka wheelchair ito, may benda din ang kamay at may sugat din ito sa kaliwang kilay
"G-gabriel" pag tawag ko pero sa ibang dereksyon ito nakatingin
"Goodmorning!" Masayang bati ng doctor na pumasok din at kasunod nito si Shane, samantalang si Gabriel ay nakatingin lang sa kawalan
"Good morning din po doc" bati naman ni mama
"Oh tamang tama at kumpleto kayo dahil may goodnews ako sa inyo" nakangiti parin ang doctor at ako hinihintay lang sya na mag salita kung ano bang good news ang sinasabi nito
Lumapit sya sakin at inayos sa pwesto ng destros saka binuklat ang dalang papel
"Ms. Ellise.. sa kabila ng mga natamo mo sa insidente ay masaya ako dahil naka survive parin ang baby mo.. 3 to 4 weeks kana palang buntis" paulit ulit na sumagi sa isip ko ang sinabi ng doktor, ako buntis? Napahawak naman ako sa tyan ko at pilit na pinoproseso ang utak sa mga narinig ko
Mukang pati sina mama ay nabigla maliban nalang kay Gabriel na ngayo'y nakatingin sakin na wala kang mababakas na kahit ano mang emosyon
Parehas kami ng iniisip ni Gabriel, alam ko bilang isang babae kung kanino tong dinadala ko, huli kaming nag talik ni Gabriel ay nag karon pa ako kaya posibleng....
Napapikit ako ng mariin at tumulo ang luha.. kita ko sa mata ni Gabriel ang mga namumuong luha din sa mga mata nito, alam kong sobrang sakit para sa kanya ang bagay na ito..
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez