XII

1K 25 2
                                    

"Paano ate una na 'ko ha?" paalam sakin ni Karen matapos namin mag usap

"Sige mag ingat ka" tumayo na sya at umalis

"Punta sa bahay namin mamaya si Juluis ate ha!" pahabol na sigaw nito at nginitian ko lang sya

Muli akong naupo at naisip ko na naman ang mga ginawa ko kay Shane na dapat mag pasalamat pa nga ako, hays nakakahiya na tuloy humarap sa kanya. Galit kaya sya?

Natigil ako sa pag iisip ko ng mag vibrate ang phone ko, si mama tumatawag

"Hellow ma? Napatawag ka?"

"Totoo ba Jen?!" bigla ako kinabahan sa tono ng boses ni mama baka sinabi na ni Gab ang ginawa ko dito, eto na nga ba kinatatakutan ko

"So-sorry ma"

"So totoo nga? Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo Ellise tapos ganyan ang gagawin mo? Umuwe kana dito at inaaayos na ni Gab ang mga kaylangan nyo!" Galit na sigaw nito

"Ma..!" bigla nya ako binabaan ng phone. Eto na naman ang pakiramdam na ayoko, masyado ng masikip ang ginagalawan ko hindi ko na alam ang gagawin ko lagi nalang nila ako dinidiktahan, nakaramdam ako ng mainit na likido sa pisngi ko hindi ko namalayan umiiyak na pala ako

"Jen oh" napaharap ako sa lalaking nasa harapan ko at kinuha ang panyong inabot nito

"Salamat Josh"

"Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ni Ken?" takang tanong nito at naupo sa tabi ko

"Hindi hehe wag mo nalang ako intindihin" pilit kong ngiti kung tutuusin nga ako may kasalanan kay shane eh

"So bakit nga?" pangungulit nito

"Eh yung totoo ilang beses ka inire?" Natatawa kong tanong habang pinupunasan ang mga luha ko. Ang kulit eh

"Oo na, hindi na mag tatanong" walang reaksyon nyang sabi

"Nasan pala si Shane?" tanong ko dito

"Hindi ko alam" at tumayo sya para umalis

"Hoy! Nasan nga!?" ang bastos talaga kausap nito, talikuran ba naman ako

"Ewan nga! Hindi ako tanungan ng nawawalang jowa..." abat kaibigan nya di nya alam? at isa pa jowa? Buang din 'tong si Josh

"Sandali..panyo mo!" sigaw ko at hinagis to sa kanya, sinalo din naman agad nya at tumalikod na pero wala pading reaksyon sa muka nya, lagi nalang syang problemado sa buhay tss

Napagdesisyunan ko nalang mag lakad lakad, dahil naiisip ko lang ang mga problema ko ayaw ko muna umalis dito, ano bang pede kong gawin, bakit ganon? mahal ko si Gab alam ko mahal din nya ako bakit parang ang daming kulang, napabuntong hininga ako, hindi ko magawang magalit ng matagal kay Gab hindi ko naman kasi sya masisisi eh kung ako nasa lugar nya tyak magagalit dun ako sa ginawa ko

Lumabas ako saglit para bumili ng fishballs namimis ko na kasi, pumasok na din agad ako sa Campus habang kumakain parin

Napadako ang mata ko sa mga nag tutumpukang studyante kaya medyo lumapit ako at napalaki ang mata ko ng makita ko si Shane at ang isang babaeng umiiyak? Bakit naman kaya, mas lumapit ako para malaman kung ano ba problema

"Tama na nga ayoko nyan!" sigaw ni Shane sa babae sabay hagis dun sa bagay na binibigay ng babae at halos ipag tulakan nya ito kaya nakaramdam ako ng inis at awa dun sa babae

"Ohhh!" sigaw din ng mga studyanteng nakapalibot sa kanila

"Ken para sayo yan please ta-tanggapin mo n-nman, f-fan girl nyo lang naman ako e" pag mamakaawa nito at nakayuko

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon