XXI

774 20 2
                                    

Jen's POV

Nagising ako sa sakit ng ulo ko, shezz may migraine na naman ako dahil blured ang paningin ng isa kong mata at kumikirot din ang isa bahagi ng ulo ko

"Gab?" pag tawag ko saka tumingin sa tabi ko para sana mag pakuha ng gamot pero wala sya, kaya napilitan ako bumangon na nakahawak sa sintido ko

Uminom muna ako ng gamot. Buti nalang at sabado mag papasama muna ako kay Gabriel para dalawin sina mama at papa

Inikot ko ang buong bahay pero walang Gab akong nakita, nasan kaya sya? Napagdesisyunan ko munang maligo para pag uwe nya aalis nalang kami

Matapos maligo ay wala parin sya, walang phone at walang laptop TV lang talaga, kaya sobrang bored

Nag tungo ako sa kusina para gumawa ng breakfast, pero meron na ata
Lumapit ako sa lamesa para tignan kung ano ang nakapatong doon na may taklob, may kasama pang note kayat binasa ko muna

"Hon kumain ka pag gising mo, babalik din kaagad ako wag na wag kang aalis ng wala ako! I love you!
Fr.Gab

"Okey" sagot ko saka binuksan ang nakatakip, napangiti ako dahil nag handa na pala sya ng breakfast,

San naman kaya ang lakad nya? Napansin ko din kagabi na panay ang tunog ng cellphone nya, hindi ko nalamang pinansin at pinag patuloy ang pag kain ko

Natapos ko na lahat ang pag kain ko, nahugasan ko na din at nag imis na din ako ng bahay pero wala pa din sya, nakakalungkot naman

Almost 3 hours na akong nag hihintay sa kanya alam naman nyang kaylangan nya pa ko ihatid kay na mama, ano kaya kung umalis na ako? Tama kay na mama lang naman eh

Nag iwan din ako ng note bago umalis, tutal sabi nya hindi na ako pedeng umuwe sa Pilipinas edi lubusin na, sa ngayon desisyon ko muna ang susundin ko at kakausapin ko na din sina Tine

Itutuloy ko ang plano ko, hihingi ako ng tulong sa kanila, napag desisyunan ko nalang munang puntahan sina mama
.
.
.
.

"Pa! Ma!" sabik kong tawag at kasabay nun ang pag yakap ko sa kanila ng sobrang higpit

"Anak! Nasan si Gab?" tanong agad ni mama, hindi ba pwedeng kamustahin na muna nya ako? psh

"May pinuntahan po eh, kanina pang wala sa bahay kaya umuna na ko" pag amin ko

"Nako hinahayaan ka lang ni Gab na mapag isa!" si papa na hindi mo maintindihan ang reaksyon

"Pa! Malaki na naman ako! Hindi ko na kaylangan lagi pang kasama si Gab" nag tatampo kong saad

"Halika kana nga! Pumasok ka muna" pag aya ni mama, sumunod naman kami agad ni papa sa loob at inutusan din nila ang mga maid na mag handa ng pag kain,

"Hi couz!" oh andito din pala si ate Sarah pinsan ko, nginitian ko lang sya at naupo sa tabi ko

"Iha inaalagaan ka ba ni Gabriel ng mabuti?" panimula ni mama at tumango lang ako

"Diba anak bilin ko wag na wag kang aalis ng hindi mo kasama ang mapapangasawa mo?" si papa na seryosong nakatingin sakin

"Ngayon lang naman pa, baka busy lang din yung tao" nag datingan na din yung mga pag kain, at hinain na nila

"Ayan anak kumain ka ng marami ha! Baka mamaya may laman na yan tapos napaka pihikan mo parin" nag tawanan naman sila pati ang mga maid pero ako napakunot lang ang noo

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon