XVI

1K 26 3
                                    

Jen's POV

"ANO?!" napatakip ako sa tainga sa sigaw ng dalawang to

"Ssshhh, pede ba wag kayong maingay" saway ko sa kanila, nasa field naman kami pero marami paring tao dahil may practice ng soccer

"Ay! Akala ko naman kayo ni Ken" napasimangot naman si Macy

"Ayaw mo nun friend mag kakaron ka na ng pag asa sa Ken mo" sabat naman ni Tine

"Sabagay sige pakasal kana bes kay Gab" natawa naman ako, bakit ang bilis mag iba ng mood nya

"Pero hindi nga bes walang KAYO talaga?" pag ulit ulit ni Macy

"Wala nga ang kulit nyo, mahal ko si Gab no" pag papaintindi ko sa kanila

"Eh bakit naman may picture kayo na mag katabi? Paano mo mapapaliwanag yun ha sige nga?" tanong ni tine

"Unang panalo ng fly dragon, nag celebrate kami sa bahay nina Karlsen then ayun na nga eh kaibigan ko lang talaga si Shane, masyado lang kami nag kapalagayan sa isat isa" dipensa ko

"Sus nag kapalagayan, sigurado ka wala kang nararamdaman sa kanya?" panunukso ni Tine at sinundot sundot pa tagiliran ko

"Oy hindi ah, mag kaibigan lang talaga kami wag nga kayong magulo mahal na mahal ko si Gab hindi ko kayang mag taksil sa kanya" natatawang kong sagot para kasing mga sira eh

"Eh si Ken ba kaibigan lang ang turing sayo?" parang kinikilig pa si Macy habang sinasabi iyon at nag tinginan sila ni Tine na parehas nakangiti

"Ewan ko sa inyo" parang ewan sila eh

"Hellow Girls" napatingin kami sa likudan namin at umakbay pa sakin si Josh, tsaka si Luke at Paul na umakbay din sa dalawa

Siniko ko lang si Josh

"Ouch! Pero pag si Ken ang umakbay okey lang" parang nag tatampong sabi ni Josh

"Ano bang ginagawa nyo dito?" takang tanong ko

"Manood kayo samin bukas ha, kahit na hindi kami masyadong nakakapag practice lagi kasi kayong wala ni Captain" sagot ni Josh

"Pero okey lang bulok naman kalaban namin bukas" yabang talaga nitong si Luke, teka nga pansin ko lang bakit tumahimik tong dalwang babaeng to kanina lang nasa hot seat ako eh

"Ayan lagi palang kayong wala ni Ken ha" taas kilay na sabi ni Tine, si Macy naman kinikilig pa habang naka akbay si Luke

"Nako tigilan nyo nga ako" saka sila tinalikuran, pero hinawakan naman agad ako ni Josh

"Sabay na muna kayo samin mag lunch" alok nito

"Sure!" sabat ng dalawa napailing nalang ako at nag pahila nalang kay josh, andito din si Nate na kanina pa may kausap sa phone nya at si Karlsen na kanina pang tahimik

Samin nabaling ang atensyon ng marami, ikaw ba namang kasama mo ang mga kinababaliwan ng mga babae  maliban lang kay Shane, nasan kaya sya? Gusto ko sya makausap

Ng makarating kami sa Cafeteria ay agad nag prisinta na ang lima na sila na ang oorder ng foods

"Bes ng yayare ba talaga to? inakbayan ako ni Luke?!" kinikilig na tanong ni Macy

"Ako hindi lang inakbayan ni Paul! Kinuha pa nya yung number ko, kyahhh!" kinikilig din si Tine, grabe sila

"Bes sayo na si Ken! Mahal ko na ata si Luke!!" hala grabe, Binatukan naman sya ni Tine

"Sira! Pero bes mas type ko si Nate" nakasimangot naman si Tine

"Nako lalaki lang yan" tingin ko sa kawalan

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon