XI

1K 26 0
                                    

(Karen Mendoza 👆)

"Ca-car Accident?" paninigurado ko dahil bigla akong kinabahan at sunod sunod na tanong ang gustong pumasok sa isip ko

"Yea- " naputol ang sasabihin nya ng mag ring ang phone nya at napatingin dito

Gab's Calling....

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago sana pindutin ang answer button ng agawain ko ang phone nya kasabay ang pag off ko dito

"Shane?! Ano bang ginawa mo?!" sigaw nito

"Sabihin mo sakin" mahinahon kong tugon

"Alin ba?! Akin na yung phone ko! Alam mo bang sa ginawa mo mas lalaki ang away namin!" sigaw nito at alam kong galit na sya sakin, na pilit ko ding nilalayo ang phone nya

"Give and take" maikli kong sagot dahilan para mas maintindihan nya at padabog syang naupo muli sa tabi ko, at humarap sakin

"Okey, ano bang dapat kong sabihin?" tanong nya habang hawak nito ang ulo nya, mukang nahihilo sya dahil napapikit ito

"A-about what you've said earlier"

"Ano bang sinabi ko?" takang tanong nito, hay asar naman

"Sabi mo, Car Accident" pag deretsa ko

"Oo nga bakit ba?"

"Sabihin mo sakin ang nangyare sayo"

"Huh?"

"Ahh! Asar naman eh, ikwento mo?!" medyo pasigaw kong sagot

"Alin?"

"Car Accident nga! Ano ba Ellise?!"

"Galit ka" napayuko ito at parang paiyak na bata sa inaasal nya, lasing nga pala sya bakit ko pa ba kakausapin to ng matino? Eh bakit naman kanina ang seryoso nya kausap, ang gulo ng babaeng to

"Hi-hindi hindi bukas na tayo mag usap kapag okey kana" saka niyakap ko ulit sya ng mahigpit, sobra ko syang namis

"Shane" mahinang tawag nito sakin

"Ahmm?" nakatingin lang sya mga mata ko at napadako ang tingin nya sa labi ko, napangisi naman ako at inangat ang muka nya palapit sakin

"Ahkk!" napamulat ako ng may maramdaman akong mainit na bagay sa balat ko

Shit! Nagsusuka sya

Inalalayan ko sya at hinaplos ang likod habang nagsusuka dito sa harapan lang namin

"Ano kaya pa?" pag aalala kong tanong, hindi sya sumasagot dahil nahihirapan ito sumuka

"Inom kapa ha kulang pa yan, kala mo kasi kung sinong sanay" dugtong ko pa habang patuloy sa pag suka nya pati damit ko nasukahan nya shit naman, nag hubad nalang ako dahil ang baho ng damit ko

After 5 minutes ay mukang nasuka na nya lahat kayat inalalayan ko ito patayo

"Ahh! Bat ba ang baho mo Shane?! Naligo ka ba?!" Reklamo nito at medyo tinutulak pa ko, wow ha makareklamo tong isang to

"Hoy babae suka mo yan"

"Umamin ka nga shane tayo lang naman makakaalam eh, hindi ka naligo no?" bumitaw sya sakin at humarap

Nasa harapan na namin ang kotse ko, grabe talaga sya pag lasing

"Umayos ka nga halika na pumasok kana sa kotse para maihatid na kita" hinawakan ko sya sa braso pero inagaw nya lang to

"Hahahaha tama hindi ka nga naligo! Grabe ka Shane?! Hindi ka Naligo! Grabe grabe hindi naman halata e, okey lang yan hindi ko naman pati ipag kakalat e ssshhh lang hahahaha " sigaw nito at tawa pa ng tawa, hindi daw ipag sasabi pero makasigaw wagas, at isa pa naliligo ako no, hindi nya alam suka naman nya ang naaamoy nya, buti nalang at kokonti ang tao dito sa labas

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon