XXX

711 18 0
                                    

Zairee's POV

Andito ako sa tambayan namin noon nina Gabriel noong mga bata palang kami.. Iniintay ko sya dahil may pag uusapan daw kami.. At oo may kaylangan din ako sa kanya

Naaninag ko na sya at napangiti ako.. Ang gwapo parin talaga ng kaibigan ko.. Ang daming umaaway sakin dati dahil jan kay Gabriel napailing nalang ako sa isipin na yon.. Pero sadyang mapili sya sa babae, at hindi ko din alam kung ano ang meron sa Ellise na yan at sya pa ang pinag aagawan ng dalwang taong mahalaga sakin

Nagulat sya ng makita ako, marahil dahil sa itsura ko, hindi na ko nag tataka dahil ngayon lang naman ulit kami nag kita

Hinalikan nya ko sa pisngi at saka naupo sa batong upuan sa tabi ko..

"Alam ko na ang sadya mo.." panimula ko.. Tumawa lang sya ng mahina

"Please wag mo nalang syang paki alamanan" saad ko

"Ang hirap naman ata ng hinihiling mo?" agad na tugon nito

"Gab naman.. Alam mo ang sitwasyon ko.. Hindi ako kayang mahalin ni Ken.. Hindi nya ko pakikinggan, oo si Ellise at si Ellise pa din ang bukang bibig nya.. Kaya much better na bumalik nalang kayo ng States" deretsa ko

"No.. Kaylangan mo syang makumbinsi.. kung hindi mo magagawa yun.. Pasensyahan nalang tayo" sagot nya

"Ano pa ba yung silbi ng samahan natin? Mag kaibigan tayo Gabriel! Hindi na tayo iba.. Kung pinoproblema mo ang sa relasyon nilang dalawa.. Ganon din ako"

"Hanggat nanjan si Ken.. Hindi babalik ang pag mamahal sakin ni Ellise.." malungkot ang tono ng boses nya

"Tama ka nga Gabriel kaya sana mag tulungan nalang tayo.. Nahihirapan na din ako lalo na at may dinadala ako" napatitig sya sakin na pawang may iniisip

"Talagang sinira mo na ang buhay mo dahil lang sa lalaking yun ano?" Tumango lang ako dahil totoo naman sya na ipinusta ko na ang kinabukasan ko para sa kanya

"Ang tagal ko ng namamalimos ng pag mamahal kay Ken ..kaya please kayo nalang ang lumayo o kaya naman wag kang mag tatangkang galawin si Ken" may pag babanta kong saad

"Tss fine.. Kung hindi lang kita kaibigan.. Napatay ko na yan si Ken" inis na turan nito

"Oo tapos ako naman yung papatay sayo.." sabay inirapan ko sya

"Whatever.. By the way i have a plan then kapag hindi umubra yon? aalis kayo.. Tapos ang usapan.."

"Ano naman yun? Dehado na naman ako nyan sigurado"

"Hindi.. Sa palagay ko naman hindi pa nya alam ang totoo eh" napangisi sya at napangiti din ako sa iniisip nya

"Matagal ko na naman gusto ipaalam kay Ellise.. Natatakot lang ako sa posibleng gawin ni Ken.." nalungkot ako dahil naalala ko na naman ang huling usapan namin na hindi to pwedeng malaman ni Ellise

"Mag set ka ng date kung kelan pwede at babalikan ko na din si Ellise baka kung san pa pumunta" napailing nalang ako sa ugali nya.. Sana ganyan din sakin si Ken pero malabo na

------------

Jen's POV

"Hon..." natigil ako sa pag babasa ng libro ng dumating sya.. Sinalubong ko sya ng yakap dahil kaylangan kong umaktong okey kami para mabilis kong makuha ang loob nya

"Anong oras na? Kumain kana ba? Nagluto ako eh.." saad ko at nag tungo sa kusina para mag hain.. Napatigil naman sya

"Mahal napatawad mo na ba ako?" nakangiti nyang saad.. Nakakahawa ang mga ngiti nya pero ayoko na mahulog ulit kaya umiwas nalang ulit ako

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon