XXXI

694 19 0
                                    

Jen's POV

May nararamdaman akong kakaiba, sa bawat hakbang ko bumibilis ang tibok ng puso ko... Hindi ko alam, dahil ba ito kay Shane?

Pag pasok ko sinalubong agad ako nina Tine at ng buong grupo.. Nakakapag taka dahil wala si Shane

"Besshhy buti nakapunta ka?" bungad ni Tine at ngiti lang ang tinugon ko dito dahil may hinahanap ang mga mata ko

"Ehem.. Si Ken ba?" pag singit ni Paul

"Nasan sya?" agad kong tanong at nag kibit balikat lang sila

"Panong hindi nyo alam.. Diba ngayon ang libing ni Tito?"

"Sabi nya kagabi babalik sya dito.. Pero hanggang ngayon hindi pa sya bumabalik" pag amin ni Nate.. Nakaramdam naman ako ng pag aalala kaya nag paalam muna ako sandali sa kanila

Tinatawagan ko phone nya pero nakapatay padin ito.. Maya maya may humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon

"Shane..." mag kasalubong na kilay kong pag tawag sa pangalan nya

"Babae san ka ba nag punta? Alam mo bang pag hahanap ang ginawa ko? Muntik pa kong makulong.." reklamo nya at yakap lang ang tanging nasagot ko

"Sorry.. Nasan ba ang cellphone mo at laging nakapatay? Hindi kita makontak.."

"Ewan.. Tinapon ko na wala din namang kwenta at hindi kita makausap" napa awang nalang ang bibig ko dahil sa walang kwenta nyang rason

"Sira.." hinalikan nya ko sa noo habang mag kayakap kami

"Jen naman wag ka ng umalis please lang.. Hindi ko na makikita si Dad pati ba naman ikaw iiwan mo na din ako.?" nagsusumamo ang mga mata nya.. Hindi nya alam kung gaano ko kagustong manatili sa kanya

"Halika na nga.. Kumpleto na sila don" pag iiba ko ng usapan

Pag dating namin niyakap sya ng mga kamag anak nya at napaluha na din si Shane

"Iniwan na ko ni Dad tito.." naiiyak na saad ni Shane sa tito nya

"Anak kung gusto mo samin kana muna tumuloy ni tita mo.. Bukas ang bahay namin para sayo.." pag tapik sa kanya ng tito nya

"Salamat po.."

"Sakin na muna ipinahawak ng ama mo ang kompanya at ari arian nya.. Kapag nakatapos kana at kaya mo na patakbuhin yon saka ko ipapamahala sayo.." nakangiting saad nito.. Tumango lang si Shane bilang pag sang ayon

Buti naman kahit na hindi si Shane ang makakatuluyan ko ay alam ko ng may mag mamalasakit padin sa kanya bukod sa grupo

"Halina kayo at aalis na" pag aya ulit nila at pumasok na kami sa loob, isang beses ko pang pinag masdan ang labi ni Tito bago sya pinasok sa Karo

Paminsan minsang nag pupunas ng luha si Shane habang patungo sa huling hantungan ni Tito... naawa ako sa kanya, ayoko syang iwan.. naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nya at nginitian ako

"Hindi ka okey.." saad ko at ngumiti lang sya

"Okey lang ako kasi anjan kana man" napaiwas ako ng tingin

"Ahh.. Shane pwede ba tayong mag usap mamaya?"

"Sure mahal" Hindi parin nya binibitawan ang kamay ko..kaya hinayaan ko nalang

Matapos basbasan si Tito sa simbahan ay hinatid na ito sa huling hantungan nya... dito ay hindi na naitago pa ni Shane ang sakit na nararamdaman nito

"Dad.. I'm sorry, sorry sa lahat ng katarantaduhang nagawa ko sa inyo hindi ko man lang kayo naalagaan ni mi-minsan.. pero Dad napakahalaga nyo sa-sakin ang sakit dad kasi nawala kana agad .. sorry sa lahat mamimis kita dad.." umiiyak sya at ayaw bumitaw sa kabaong ni Tito kaya niyakap ko to patalikod

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon