Jen's POV
Hindi ko naiintindihan, kaya pinili ko nalang manahimik at pag bigyang pakinggan ang side ni Shane kahit na wala na din namang saysay, para na din sa ikakatahimik nya
Maya maya tumigil na din kami at bumaba ang mag ama kaya lumabas na din ako
"Wow ang ganda naman ng bahay na 'to" puna ko sa magarang bahay na bago sa mga mata ko, nag kikita kita pa ba mga tao dito?
Tinanggal ni Shane ang posas ko at hinawakan ako sa kamay saka sabay kaming pumasok sa malaking gate
"Sayo to?" Tanong ko
"Satin" maikli nyang sagot, at nasiko ko naman sya ng wala sa oras
Tumahimik nalang ako dahil mukang hindi ko naman sya makakausap ng matino
"Oh bakit tumahimik ka?" Natatawa nyang tanong.. nag aasar pa talaga ahh?
"Heh! Lumayas ko sa harap ko.." binawe ko ang kamay ko sa kanya
"Hahahahaha.. ang cute mo talaga magalit mahal" kinuha nya ulit ang kamay ko at hinayaan ko nalang ulit
"Ano na? Tumatakbo ang oras, sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil kaylangan ko na talagang umuwe" may pag mamadali kong usad dito
"Mahal kita" seryoso tong nakatingin sakin, para na naman nag wawala ang puso ko sa loob
"Tapos?" Kunwareng walang pake
"Mahal na mahal kita"
"Ano pa?" -ako
"Mahal na mahal na mahal kita" napairap nalang ako
"Hays Jusko naman.. ano pa? Mahal na mahal na mahal na mahal kita.. ganon?"
"Sarap naman pakinggan.. mahal na mahal din kita" nakangisi nyang turan na may yakap pa
"Nag lolokohan ba tayo Shane? Eto na ba yon?! Para kang timang" tinalikuran ko na sya dahil hindi naman sya nag seseryoso
"Hahahhaha biro lang, ang init ng ulo mo ah.. meron kaba? Sayang naman" nag init ang ulo ko kaya nabato ko sya ng sandals ko
"Aray!" Singhal nito
"Uuwe na ako..!"
"Eto naman, namis lang kitang asarin e" pag lalambing din nya agad
"Ewan ko sayo!" Naaasar na talaga ako dahil ginagawa nya tong biro
"Henry isarado mo na ang gate at wag mo syang palalabasin, Ellise pumasok ka sa loob" nauna syang umalis habang ako tinutungo ang gate
"Hindi ho pwede" agad na sabi ng tauhan ni Shane ng makarating ako
"Please hindi nya ako asawa.. hindi ko sya kaano ano at iniintay na ako ng asawat anak ko please.." pag mamaka awa ko pero umiling lang sya, nag pumilit parin ko hanggang sa may tinawagan sya at bigla nalang may sumulpot na mga lalaking nakaitim at pilit akong pinasok sa bahay ni Shane
"Ano ba! Bitawan nyo nga ako!" Pag pupumiglas ko hanggang sa nakapasok na kami sa loob at nakatingin lang samin si Shane habang umiinom ng wine
"Wag nyo syang hawakan.. ayoko na maulit yon"
"Sige boss, pasensya na makulit ehh"
Tumango lang to at nasampal ko pa ng bag ko yung lalaking bumuhat sakin"Hoy ikaw!? Aba Shane! Intindihin mo naman ako!" Parang gusto ko ng maiyak
"Wag na wag kang iiyak sa harap ko at lalo kitang hindi papauwien" saad nito saka inubos ang laman ng baso at lumapit sakin kaya pinigilan ko nalang hindi maluha
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez