XX

830 20 5
                                    

Jen's POV

Ilang buwan na din ang nakalipas, at gustong gusto ko ng umuwe ulit sa Pilipinas, masyado strikto sina mama gusto palagi kasama ko si Gabriel kahit saan man ako mag punta

Nasa OJT ako ngayon at hinihintay ko nalang si Gabriel para sunduin ako, and speaking of Gab andito na din sya

"Hon sorry, late ako may pinadaanan pa kasi si tita" paliwang nya saka ako hinalikan sa pisngi, wow late daw? Saktong sakto nga eh kelan pa sya nalate

"Kakalabas ko lang din naman" ani ko

Pinag buksan nya ko ng pintuan ng kotse nya at saka tahimik na nag maneho, ako naman kanina pa inaantok kayat pumikit nalang muna ako

"Hon? Andito na tayo" mahina nya kong tinapik sa balikat kayat nagising ako, tumungo kami sa condo nya, at oo dito na ko tumutuloy dahil inaasikaso na din naman ang mga kaylangan para sa kasal

Pag kapasok agad akong nag tungo sa cr para maligo, at makapag pahinga na din, iniisip ko sina Tine at Macy kamusta na kaya sila? Nahihiya akong humarap sa kanila kapag umuwe ako dahil hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos

Pati si Shane sumagi na din sa isip ko araw araw nalang napabuntong hininga naman ako, nasaktan ko sya, hindi dapat sya nahulog sakin pero bakit masakit din para sakin? Siguro dahil naging malapit lang kami sa isat isa, sana lang hindi na nasira ang friendship namin para hindi kami nahihirapan ng ganito

Matapos maligo ay nagpalit na ko ng sando at short saka ibinagsak ang sarili sa kama, nakakapagod ang mag hapon, puro seryosong bagay nalang ang ginagawa ko sa araw araw, kahit papaano pala ay nag papasalamat ako sa mga naging kaibigan ko sa Pilipinas dahil kahit na sa maikling panahon ay naranasan ko yung mga bagay na parang imposible

Umupo ako sandali para ibalot ang kumot sa katawan ko ng may umagaw ng atensyon ko

Laptop ni Gabriel na nakapatong sa study table, matagal ko ng gustong tawagan sina Tine kaya lang nahihiya ako sa kanila at isa pa may usapan kami ni Gabriel na makakausap ko lang sila after ng kasal, meaning hindi ko sila maiinvite sa kasal namin

Natauhan naman ako sa pag iisip ng mag bukas ang pinto at iluwa nito si Gab na nakangiti at may dalang pag kain

"Hon pinag luto kita alam kong pagod ka" saad nito ng makaupo sa tabi ko

"Salamat, pero busog pa ko kumain kami kanina ni Cindy sa labas" sumimangot naman sya

"Pero shempre, kakainin ko parin yan patong mo nalang muna jan hon" dugtong ko pa dahil alam kong mag tatampo na naman yan

"Oh sige basta kakainin mo yan ah, paano tayo gagawa ng dalawang dosenang anak kung ganyan katawan mo, payat mo na baby ko" sya at saka pinatong sa lamesa ang dalang pag kain

Namula naman ako sa sinabi nya, lagi nalang nya binabanggit ang word na anak, gusto na nya talaga ng baby paano ako ayaw ko pa no bata ko pa para mag buntis

"Hon bata ko pa, hindi pa ko handa para mag ka baby" napanguso naman ako. Dahil ayaw ko pa talaga

Ngumisi naman ang loko
"Kung ayaw pa pala ng asawa ko, iwasan mo mag suot ng ganyang damit sa harap ko, na tetemp ako" sya na nakatingin sa katawan ko, problema ng isang to

"Angelo!" sigaw ko dito at saka sya sinamaan ng tingin

"Ang nipis ng damit mo hon, mag palit ka nga" sya na nakatitig pa din sakin

Napakunot naman ang noo ko
"Ayoko" saad ko at nahiga na saka nag takip ng kumot

"Ayaw mo talaga?" naramdaman ko ang pag lapit nya

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon