Shane's POV
Hay nako ano ba tong napasok ko,
Nasapo ko ang noo ko at umiling. Bakit kasi ang cute nyang maasar.Nakasandal lang ako sa pader at iniintay si Ellise
"Sh-shane okey na" nahihiya nyang tugon dahil bahagya itong naka tungo.
"Akalain mo yun may tinatago ka din palang ehem" pabiro kong tugon at hinampas nya ako sa dibdib ng malakas saka sya sinundan
"Aray ha" angal ko, may lasa din ang hampas nya, kaya napa himas ako sa may bandang dibdib ko
"Manyak ka talaga.." saad nito at tinalikuran ako, tumatawa lang ako dahil namumula sya
"Wala naman akong nakita ah" sabi ko ng tumatawa pa, masaya ako pag inaasar sya dahil ang cute nya talaga mapikon
"Oo manahimik kana pwede?" pikon na saad nya at natawa nalang ulit ako, bago ko pa sya muling asarin ay nakalabas na kami ng bahay papunta malapit sa pool
"Yow Ellise!" sigaw ni Nate at naupo naman si Ellise sa tabi ni Josh ako naman nakasunod lang, hay nako sa dami dami ng tatabihan kay josh pa.
Tumabi naman ako kay Ellise at nakaikot kaming lahat, andito din si Karen na kanina pang kumakain
"Ate, si julius hindi talaga nag tetext" nakasimangot naman si Karen na nakatingin kay Ellise , mag kakilala pala sila?
"Mamaya, sumama ka sakin sa bahay, sapakin natin parehas para dama nya" sagot ni Ellise
"Ellise ha tuturuan mo pa kapatid ko sa pagiging sadista mo" sabat ni Karlsen at nag tawanan naman silang lahat, naka poker face lang yung dalawa ni Karen at Jen tss wala naman talagang nakaka tawa
"Realtalk ha?" Sagot ni Ellise saka uminom ng juice
May mga alak sa harapan namin at lahat kami nakaupo lang sa semento dito sa labas ng bahay nila
"Ellise tagay ka" pag aalok ni josh
"H-huh hi-hindi naman ako umiinom" tanggi nito at tinuon nalang ang pansin sa pag kain
"Sus , isa lang ellise" pamimilit ni luke
"Oo na" agad namang kinuha ni Ellise yung alak, bakit ba ang bilis nyang bumigay? pag katapos ni Ellise ay tumagay din ako
"Ellise, kaylan ka pala aalis?" nabigla ako sa tanong Paul
"Ahm, basta matapos ko lang ang sem na to aalis na din ako" sabi nito at muling tumagay, napangiwi naman sya, seriously? Kala ko ba hindi sya umiinom?
"So? Hindi kana babalik?" -paul
"Ayaw nyo na ba ako makita?" nakasimangot na sagot nito, nag tawanan na naman sila, bakit ba hindi ako natatawa sa kanila, kanina pa kong tahimik e tss ka OP
"Haha bakit ka ba ganyan mag isip shempre mamimis ka namin" natatawang sagot ni josh
"Talaga?" -jen
"Sobra Ellise" sagot ko dahilan para mapatingin sila sakin, ano bang problema nila?
"O-oo nga sobra Ellise" pag babasag ng katahimikan ni Nate
Nag liwanag ang muka ni Ellise ng makakita ng fishball sa harapan namin hindi nya pala to nakita kanina na ako mismo ang bumili
"Para sa ating lahat yan" seryosong tugon ni Luke, bago pa kuhanin ni jen ang fishball at masamang tinignan si Luke
"Titikim lang ako" -sya na kumuha ng stick at tinuhog ang fishball, ang mga loko naman nag pipigil ng tawa
Sumubo si Ellise ng fishball at as i expected sunod sunod na naman ang pag subo nito, yung mga loko naman hindi na napigilan ang tawanan
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
Storie d'amoreIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez