Ellise POV
Hindi pwede ... Hindi pwedeng si Shane yun, si mang Jr yun eh yung driver na kasama ko nung mabangga ang kotse na sinasakyan ko pero bakit ko naman bibitawan ang mga salitang sinabi ko kay Shane? Naguguluhan ako para na akong tangang kinakausap ang sarili ko habang nag lalakad palayo
Sigurado nga bang si mang Jr ang kasama ko ng maaksidente ako? "Pagsubok na naman mahal ko" muli na naman pumasok sa isip ko ang salitang yun kaya nasapo ko ang ulo noo ko
Hindi ako magagawang lokohin ni mama lalo na ni Gab, kaya sigurado ako si Mang jr ang kasama ko, kahit na may ilang pangyayareng naaalala ako isinantatabi ko iyon dahil mas pinaniniwalaan ko sila
Peeeeep!
Peeeeep!
Napatigil ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko ng muntikan na ako masagasaan ng magarang kotse
"Ano ba?! Tumingin kana man sa dinadaanan mo?!" bulyaw sakin ng lalaki
"Sorry" mahinahon kong sabi at nag madaling umalis dahil nakaharang ako sa dinadaanan nya
"Wait wait" muling tawag nya at isinabay sakin ang kotse habang naglalakad ako kayat napalingon ako dito
Teka? Familiar sya sakin
"Ikaw yung magandang babae kanina, oo tama" malapad nitong ngiti kaya nginitian ko to pabalik at nag umpisa na ulit mag lakad
"Ganun lang? Sabay kana sakin?" pang aalok nito
"Hindi na, dito lamang ako" pag tanggi ko, pero ngumisi lang sya at bumaba ng kotse nya hindi lang sya may kasama pa pala syang isa pang lalaki
"Bro! Ano humina kana?" tumatawang sabi nito ng makababa sila mula sa kotse
Hindi lamang ito pinansin ng lalaki at bagkus lumapit sakin, kaya nakaramdam ako ng takot
"San ka ba pupunta? Pede kitang ihatid" muling pang aalok na naman nito
"Bakit ba ang kulit mo? Aalis na ko!" sigaw ko at pilit nilalabanan ang takot saka muli syang tinalikuran pero hinawakan nya ako sa kamay at iniharap sa kanya
"Kanina kapa ah, nakikipag usap ako sayo ng maayos!" may diin nyang sabi
"Hindi ba malinaw sayo na ayaw kitang makausap?"
"Tapang tol nyan ah" pag singit nung kasama nyang lalaki na tumatawa
"Alam mo tol pinahiya ako nito kanina" kasabay ang pag diin na pag hawak nya sa kamay ko
"Ohh saklap bro" tumatawang sambit ulit nito "anong gusto mong gawin natin tol?" dagdag nito at muli akong kinabahan, pinilit kong inaagaw ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak nito
"A-ano ba! bitawan mo ko!" pag pupumiglas ko pero parang wala silang naririnig
Tumingin sila sa buong paligid at nag tinginan na animoy nag kakaintindihan sa mga titig nila na mas nag pakaba sakin,
"Shane" mahinang pag tawag ko, bakit pa kasi ako umalis sa tabi nya naiiyak na ako
"Dex, buksan mo na ang pinto ng kotse" mahinang utos nung lalaki, sisigaw na sana ako ng takpan nya ng panyo ang bibig ko at sapilitang pinasok
Nag pumiglas ako pero sadyang hindi ko kaya ang lakas nila na pinag tulungan pa akong ipasok
Ng tuluyan na nila akong maipasok ay walang oras na inaksaya ang lalaki at pinag hahalikan ako, si dex ang nag mistulang driver at nawalan na ako ng pag asa ng mag simulang umandar ang sasakyang sinasakyan namin

BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
Roman d'amourIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez