XXXVII

645 22 4
                                    

Jen's POV

"Ma..." sabik kong niyakap si mama gayon din si papa ngayon ko nalang ulit sila nakasama at mayakap ng ganito

"Jen Anak ko..." hinaplos haplos ni mama ang buhok ko at ramdam ko ang pag kasabik din na makita ulit ako, ni ayaw na nga ako bitawan ni mama sa pag kakayakap namin ehh

Niyakap din nila si Gabby at kinamusta pag katapos dineretsa ko muna si Gabby sa kwarto para makapag pahinga

"Ma.. gusto ko makita si papa.." humihikbing saad ni Gabby sakin, hindi ko alam ang isasagot ko

"Babalik din agad si Papa mo may mga inaayos lang sya.." napatingin naman ako sa likod ko ng may mag salita at nakita si papa na nasa pinto

"Oo Gabby, mag palakas ka para makita mo na ulit si Papa" dugtong ko pa, tumango lang sya at hinalikan ko lang ito sa noo bago lumabas ng kwarto

"Pa.." niyakap ko ulit si papa dahil gusto ko ng masasandalan, iginiya nya ako sa sala at nandoon din si mama

"Jen anak.. ang laki ng pinayat mo" nag aalalang saad ni mama sakin

"Anak sinasaktan kaba ng asawa mo?" Tanong ni papa at hinawakan ako sa kamay

"Hindi naman ho pa.. sadyang payat lang talaga ako" nagkatinginan lang sila ni mama, totoo naman hanggang salita lang si Gabriel at hindi nya ako pinapasakitan

"Anak handa kaming makinig sa mga problema mo, alam namin na may dinadala ka" si mama

"Ma.. napahamak ang anak ko dahil kay Gab.. ma ano ba dapat kong gawin?" Naiiyak na ako kaya binigyan ako ni papa ng tissue

"Patawarin mo kami anak dahil pinag kasundo ka namin kay Gabriel, akala kasi namin magiging maayos ang lahat" tinignan ko lang si papa pero sa ibang dereksyon to nakatingin gayon din si mama kaya pakiramdam ko may hindi ako alam

"Ma?" Tinignan ko lang si mama na nagtatanong

"Nakita ka namin ng Papa mo sa bahay ni Ken" napayuko naman ako sa sinabi nila

"Na-nag usap lang po kami" bakit sakin napunta ang usapan?

"About san? Bakit kaylangan sa bahay pa ni Ken?" Pag uusisa ni mama

"Ahh k-kasi po.."

"Mahal na mahal ka nya anak sa nakikita ko.." si papa

"O-oo pa at m-mahal ko din si Shane pero hindi ko naman po kayang mag loko dahil may asawa na ako, pilit akong lumalayo pero wala akong magawa dahil sya ang lumalapit sakin" pag tatapat ko sa kanila

"Anak mahal mo ba si Gabriel?" Tanong ni papa

"Oo pa minahal ko sya pero..."

"Hindi tulad ng pag mamahal mo kay Ken" pag papatuloy ni mama at tumango lang ako dahil tama naman sya

"Ma.. tama na po, kahit nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Ken, wala naman akong balak iwan si Gabriel" pag amin ko at nag katinginan na naman sila na pawang nabigla sa sinabi ko

Bakit? Para saan pa? Kasal kami ni Gabriel at alam kong hindi sya papayag pag nag file ako ng divorce

"Napaka swerte talaga sayo ni Gabriel anak" mama

"Dahil yun po ang tama, kasal na kami at may anak na dapat sabay naming palalakihin, pero pa.. ma hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Gabriel" naiiyak na naman ako

"Papiliin mo sya.. kayo o ang negosyo nya" suggest ni papa

"Pa? A-alam nyo po na may ganoong klaseng business si Gab? Bakit hindi nyo ho sinabi sakin?" Muka namang nataranta si mama dahil sa sinabi ko

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon