XXXVIII

592 20 2
                                    

Jen's POV

"Gabby baby wag kana umiyak, please" lumuhod pa ko kay Gabby

"Iniwan mo ko mama! Hindi nyo na ko mahal ni papa!" Tumakbo sya palayo sakin

"Gabby!" Napabangon ako na may kirot sa puso ko, napanaginipan ko na naman ang anak ko, siguro hinahanap nya kami, napabuntong hininga nalang ako at muling nahiga

Tumagilid ako at biglang napasingkit ang mata dahil sa lalaking katabi ko na mahimbing na natutulog

"S-shane?" Bulong ko pero umiling lang ako

"Ano ka ba Jen, pati ba naman si Shane napapanaginipan mo din lagi? Oo tama napapaginipan ko din sya PALAGI, Pero okey na din to atleast kahit paano nababawasan ang pangungulila ko kay Gabby" kinakausap ko ang sarili ko habang naka tingin sa kanya

"Parang ayaw ko ng gumising sa panaginip na 'to, at pag masdan ka na lang Shane" hinawakan ko ang ilong nya at napangiti

"Parang totoong kasama kita.. sana talaga hindi na ako magising" natatawa ako sa sarili ko dahil sa mga sinasabi ko

Biglang nag mulat si Shane at nag tama agad ang mga mata namin

Niyakap ko sya ng mahigpit

"Ayaw ko ng gumising sa panaginip na to Shane" bulong ko sa kanya

"I love you Ellise" bulong din nito sakin

"Mahal na mahal din kita... kung alam mo lang ang pag titiis na ginagawa ko para lang pakisamahan si Gabriel, ikaw ang gusto ko, pero huli na nga kaya nag papasalamat parin ako na kahit sa panaginip nalang nagagawa ko 'to sayo, sa lalaking mahal ko" napahiwalay ako ng tumawa sya ng mahina

"Hindi ka nananaginip Ellise, totoong andito ako" biglang nanlaki ang mga mata ko at napabangon

Sinampal ko pa sya at hinalikan naman nya ko

"Sheezz totoo ka nga.." nasapo ko ang noo ko dahil sa kahihiyan na sinasabi ko kanina

"Sabi ko na nga ba eh mahal mo din ako" bulong nya sa tainga ko

"Ah eh.. s-sinabi ko ba t-talga yon?!" Namumula na talaga ako

"Hays mga babae talaga, obvious na nga tinatanggi pa, halika at may dala ako sayo" hinawakan nya ko sa kamay at agad ko din namang binawe

Tinignan ko ang paligid at nasa kwarto naman kami ni Gabriel, pero pano syang nakapunta dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at lumabas sya ng kwarto kaya sumunod ako sa kanya habang tinutungo ang kusina

"Baliw yang Asawa mo, iwan ka daw ba ng madaling araw? Hindi nya ba alam na napakadelikado na iniiwan ka lang nya dito mag isa? And isa pa nakadandado pa ang mga pintuan" umiiling na sabi nito

"Hindi ko alam kung ano ang sadya mo pero pede ba umalis kana? Baka maabutan tayo ni Gabriel" may pag aalala sa tinig ko

"Kanina lang sinabi mo na gusto mo ko mag stay sa tabi mo tapos ngayon tinataboy mo naman ako? Sakit naman dito" duro nya sa puso nya at napatawa nalang ako

"Pano kung makita tayo ni Gab?"

"Edi makita nya, ano pang silbi nito?" Sabay pakita nya ng muscle at mga abs nya, napailing nalang ako sa kayabangan ng isang 'to

"Sige na ano bang dala mo?" Tanong ko at tumabi sa kanya

"Cupcakes, fishballs as usual naman" dipa nya nahahain ay sinubo ko na ang isa sa mga cupcakes na nasa loob ng plastic

"Dahan dahan nga, hindi makapag hintay eh" natatawang sabi nya

"Bakit lilima ang dala mo? Tapos hahatian mo pa ko?" nakasimangot na sabi ko

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon