Jen's POV
"Akala ko hahanapin nya ako, araw araw umasa ako na bigla syang susulpot sa tabi ko, hinanda ko ang sarili ko para sa araw na hinihintay ko, pero sumapit ang araw ng kasal ko, unti unti na akong nawalan ng pag asa sa bawat hakbang ko sya yung nasa isip ko, na sana dumating sya, na sana pigilan nya ang kasal ko sasama naman ako e, pero...." napatungo nalang ako at sandaling napatahimik saka ulit nag salita
"Wala naman ako magawa kung hindi ang umoo, apat na taon na kaming kasal, masaya kami at walang naging problema, nag bunga ang pag mamahalan namin at ibinigay sakin ni God si Gabby, napaka gwapo nya kamukang kamuka nya ang ama nya"
"Hindi naman ako nag sisi na sya ang napangasawa ko, mabuti sya at may pag kakataon ding nagagalit sya sa mga simpleng bagay, sobra ding seloso" nasabi ko nalang
"Ahm wala na ba talagang puwang beshy?"
"Sya na ang umalis, desisyon nya yun"
"Ang tanong ko nga may puwang pa ba sya?"
"Ano ka ba apat na taon na, tyak masaya na sila ni Zairee at masaya na din namam ako"
"Ahmm, hindi mo talaga sinasagot tanong ko no? by the way, kumuha ka pala ng units sa pag tuturo?"
"Si Gab naman namamahala ng kompanyang pinag sama ni papa at dad nya, so gusto ko din ng mapag lilibangan kaya kumuha ako ng units sa pag tuturo.. mga preschool lang naman"
"Ahh ganoon pala, Hindi na pala kayo umalis dito noh?" Tanong nya
"Oo lahat iniwan nyo ko" nakasimangot na sagot ko
"Haha shempre beshy kami ni Macy umuweng probinsya, at nag sabak din ng trabaho kung san san alam mo naman kapos din kami" tumango tango nalang din ako
"Si Ken?" Taas kilay nyang tanong na parang nang aasar
"Sira ka talaga Tine"
"Ay sus kanina pang tinatanong ng mga mata mo si ken kaya wag kang mag deny jan, sapakin kita jan ng kaliwat kanan eh" natatawang saad nya
"Nananahimik ako beshy ah" natatawa nalang ako
"Pero ayun nga, bigla na ding nag laho na parang bula" malungkot na tinig nya, oo alam ko din yon dahil matagal ko syang hinanap
"Ninang pede ba ikaw nalang teacher ninang ko?" Inosenteng tanong ni Eunice na bigla nalang sumulpot sa tabi ko
"Bakit ayaw mo ba sa teacher mo?"tanong ko
"Ayaw ko ninang kasi kaklase ko na naman si Inigo" nakangusong tugon nito at napatawa kami ni Tine
"Baka naman may gusto lang sayo si Inigo? Pansinin mo nalang" biro ni Tine na ikinasimangot lalo ni Eunice
"Ninang naman ehh, ni aaway kaya ako nyun, sige na Ninang"
"Tsk kit muna kay Ninang" mabilis pa sa segundo na tumakbo ang bata palapit sakin
"*muahhh!* yan ahh ninang ni kit na kita"
"Ahmmmm oo na paalam ka muna baby kay mommy" kurot ko pa sa pisngi nito
"Mommyyyy!" Nag tatakbo ito sa mommy nya, na kasalukuyang namimili ng gamit ni baby Eunice, andito kasi kami sa mall, sinabihan nila ako na uuwe sila dito kaya agad akong nag punta dahil sobra ko na silang namimis
Natawa ako dahil hila hila ni Eunice si Macy palapit samin
"Mommy payag na si ninang na sya na magiging teacher ko"
"Pero hindi na pwede Eunice na enroll kana namin ni daddy mo, at isa pa kakauwe lang ni ninang mo, wag ka makulit"
"Pero mommy pumayag na sya ehh.."
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez