XXVII

698 20 2
                                    

Jen's POV

"Aalis ako" final kong desisyon

"Para ano? Babalikan mo sya?"

"No! Kaylangan kong malaman lahat"

"Hindi pa din ba malinaw sayo? Jen wag ka na mang maging tanga!" sigaw nya sakin

Pakk!

Nasampal ko sya dahil kanina pa akong nasasaktan sa mga isipin nya

"Sige umalis kana, ano ba naman ako sayo? Napapagod na din ako Jen sobrang pagod na pagod na ako" sunod sunod ng pumatak ang mga luha nya

"Alam ko..... kung pagod kana... mas pagod ako Shane!" naiiyak na din ako, tinalikuran ko sya pero hinawakan nya ang braso ko kayat napaharap ulit ako

"Im sorry, hindi totoo yung mga nasabi ko kahit kelan hindi kita susukuan" pinunasan nya ang luha nya at pilit na ngumiti

"Shane mag tiwala ka sa pag mamahal ko..." pilit ko syang pinapakalma

"Mahirap na mawala ka sa paningin ko Ellise, kaya't hindi mo ko masisisi kung gaano ako masasaktan kapag bumalik ka sa States" mahaba nitong saad at mahigpit na nakahawak sa kamay ko

"Hindi naman basta pwedeng mawala nalang ako.. Kaylangan ko ipaalam kay na mama ang kagaguhang ginagawa ni Gabriel, maayos akong mag papaalam sa kanila" pag papaintindi ko

"Sasama ako... Handa ulit ako humarap sa mama at papa mo"

"Hindi pa to ang tamang oras, sana maintindihan mo" nanahimik sya at tinalikuran ako

"Shane naman..." sumunod ako sa kanya

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis?" seryoso itong humarap sakin

"Babalik ako para sayo... Sana hayaan mong ayusin ko ito mag isa" tinitigan lang nya ako mata sa mata

"Please" pag papaintindi ko pa

"Sige....bahala ka" may pag aalinlangan nyang tugon,ngumiti ako at niyakap sya

"Salamat"

"Pero... Kapag lumipas ang isang buwan at wala kapa.. Susundan na kita don naintindihan mo?" tumango ako at napangiti sa inasal nya

"Deal" pag payag ko at mas lalong humigpit ang yakap nya

"Alam mo namang mag aalala ako lalo na at kasama mo si Gab" sya na halata mo pa din ang tampo

"Kahit ganon yun malaki respeto nya sakin"

"Sige pag tanggol mo pa para mag bago ang isip ko" iritado nyang sagot

"Oyy tampo agad mas mahal naman kita" pinisil ko pa ang ilong nya

"Whatever" nangirap pa ang loko kaya nasapok ko pa sya

Matapos ang pilitan na ng yare napag pasyahan ko ng umuwe para mag ayos ng gamit hinatid na din ako ni Shane at sya din mag hahatid sakin sa Airport dahil bukas na ang alis ko

Nag paalam na ako kay Shane at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay ni Khy

"Ate?!" nagulat naman ako kay Julius

"Oh? Napa nga nga kana man sa ate mong maganda" saad ko at nahiga sa sofa

"Diba pwedeng nagulat lang? Kala ko nga yung mag nananakaw na pumasok din kay na Karen e.. buti namukaan ko agad na ikaw"

"Buang.."

"Nga pala ate sa si Kuya? Hindi mo ba sya kasama?"

"Wala.. Hindi nya alam na umuwe ako dito.... sana hindi ito makarating sa kanya ha?" tumango naman sya at ako pumasok na din sa kwarto ko

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon