XIX

795 21 5
                                    

Tine's POV

Hays ilang buwan nalang, gagraduate na kami mas masaya sana kung kasama namin sina Ellise at Ken sa pag mamartsa

"Bes lalim ng iniisip mo ah, nasa earth ka pa ba?" si Macy na winawagayway pa ang kamay sa harap ko

"Yeah, iniisip ko lang kung pano ko papatayin si Paul" bigla nanlaki mga mata nya

"Waaah! Bes! Tao kapa ba!"

"Sa ganda kong to, muka ba kong hayop?"

"Ewan ko sayo, ang lalim kasi ng iniisip mo!"

"Ano di mo pa din nakakausap si Jen?"
Tanong ko dahil halos araw araw kami nag aabang na mag online si Jen pero hindi naman sya madalas nag oonline, hindi kami makapag iwan ng message dahil baka si Gab lang ang makabasa,

"Hindi padin, masasapak ko na talaga ang babaeng yun pag umuwe dito" naiiling na saad nya

"Ano babe? Tara na?" napatingin kami kay Luke na humawak sa bewang ni Macy

"Bes una na ako" paalam ni macy at umalis na sila, hays maigi pa hindi namin nakilala ang mga lalaking to madalas tuloy akong walang kasama namimis ko na ang mga trip namin ni Macy tuwing uwian namin

Napag desisyunan ko ng umuwe, tumayo ako at lumabas na ng campus
Sa pag lalakad ko may napansin akong pamilyar na muka, Paul?

Mukang may kausap sya, hindi ko makita dahil may nakaharang na malaking puno kaya medyo nag lakad ako para makita ko ang kabuoan

Napafoker face nalang ako, sana hindi ko nalang tinignan ano pa bang aasahan ko, ayun kausap nya ang pinakamagandang babaeng saksakan ng arte, at talagang dito pa sila nag yayakapan? Lalandi Di na nahiya pwe! Napatingin sya sa dereksyon ko, at saka kumalas ng yakap sa babae

Umalis nalang ako dahil sira na ang araw ko, bakit ko pa kasi tinignan, badtrip! Psh

"Tine?!" tawag nito, ayan na nga ba mangungulit na naman sya, bakit ba pati ako nilalandi nya?

"Tine, sorry sa nakita mo" saad nito at sinabayan ako sa pag lalakad, pero kinuha ko lang phone ko at sinuksok ang headset sa tainga saka nag play ng music, may masamang virus akong nasasagap eh

"Pashare" sya at bigla nalang kinuha ang isang pares saka inilagay din sa tainga nya

"Ano ba John Paul?! Pwede ba tigilan mo na ako!?" sigaw ko at inagaw sa kanya ang headset asar

"Sabi kasi ng nanay ko wag daw ako susuko sa pangarap ko eh, eh ikaw ang pangarap ko paano ba yan? Hindi kita masusukuan" nakangiti pa ito habang sinasabi iyon, hindi nya ba alam na galit na ako

"Hindi ikaw ang pangarap ko, wag kang panira ng pangarap ng iba! Alis!" sigaw ko sabay tulak

"I love you"

"I hate you!"

"Ih babe ko oh tampu tampuhan" inakbayan pa nya ako kaya siniko ko sya

"Alis sabi! Sisigaw ako!"

"May problema ba?" napatingin kami sa harap namin, teka pulis? Kaharap na pala namin ang police station tae naman oh

"Hindi po sir, pasenya na po kayo sa girlfriend ko meron lang po sya, halika na nga babe" wow huh sarap manapak, gandang dahilan, todo yakap pa sa bewang ko kapal

Ng makalayo na kami, hinampas ko ang kamay nya

"Tama na, sobra na" saka inirapan sya

"Pag bigyan mo na ko Tine, na ligawan ka oh" parang nag mamakaawa pa sya

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon