Gab's POV
Palabas na kami ng Charity, may 2 hours pa kami bago ang flight, umalis din agad kami sa Charity dahil may dadaanan pa ako
"Hon gusto mo muna kumain?" tanong ko sa kanya
"Busog pa ko, kumain naman tayo kanina bago umalis eh, bakit nagugutom ka ba?" pero umiling lang din ako
"Hon? Are you familiar with Zairee Hernandez?" napatigil sya sa pag lalakad kayat napakunot ang noo ko
"What's wrong?" takang tanong ko
"Hon, na-nag usap na ba kayo?" Taranta nyang tanong
"Well, hindi pa may nag text lang kasi sakin last night nangangamusta then i found out na si Zairee pala yun my Best friend since elementary palang kami" sagot ko at nag patuloy na mag lakad
"Ah hindi mo naman kasi sya sakin nabanggit dati"
"Yeah akala ko naman hindi ko na sya makikita eh, sa tagal na ng panahon diba?" tumango lang sya at napapansin akong may iba syang kinikilos
"Hon may problema kaba?" pero umiling lang ito, hindi ako nakumbinsi sa sagot nya alam kong may hindi sya sinasabi sakin
"Hon maaga pa naman bakit umalis agad tayo sa Charity?" tanong nito
"Speaking of Zairee, pupunta tayong mall may pwesto sya dun then pwede ka ding mamili ng mga damit sa kanya" agad kong sagot
"Sandali.." napatigil ulit sya pag lalakad
"Jen alam kong may problema ka, sabihin mo sakin ano ba yon?"
"Pwede sa ibang araw nalang tayo makipag kita? O kaya after nating makasal, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko" agad akong lumapit sa kanya at inalalayan ito dahil nag alala agad ako, mahina ang katawan ni Ellise kaya hindi sya pwedeng mapagod, lalakadin nalang sana namin yung mall kaya lang sumama pala lasa ng mahal ko
"Kunin ko lang yung sasakyan hon, hintayin mo ko dito" tumango lang sya at agad akong tumakbo dahil hindi pa naman kami nakakalayo
Pag karating ko ay agad akong sumakay ng biglang mag ring ang cellphone ko
"Hellow Zai?"
"Hellow there, papunta na ba kayo?" masayang tugon nito
"Ah Zai sumama kasi pakiramdam ni Ellise, siguro sa ibang araw nalang"
"Gab naman, ito na nga yung pag kakataon eh, tinawagan ko na din sina Marco, Jena at Xyrone, ngayon nalang ulit tayo makukumpleto"
"Okey fine pero saglit lang kami ah" nahihiya din naman ako sa kanila, kaya umoo nalang ako
Simula kasi elementary kasama ko na sila kaya lang second year HS lumipat na din ako sa ibang school kaya dumalang ang pag kikita namin hanggang sa nawalan na ako ng time at hindi na ako nakakasama sa mga gimik nila, ngayon nalang ulit kami mag kakasama sama
"Hon, hop in sasaglit lang tayo" may pag aalinlangan syang sumakay kayat nag tataka ako sa kanya , mamaya ko nalang siguro paaaminin
Dumaan muna ako sa isang tindahan upang bumili ng gamot at tubig para kay Ellise para hindi na lumala pa ang nararamdaman nya
Kanina pa syang tahimik pero hinayaan ko nalang at nag drive na patungo sa shop ni Zairee
---------
Shane's POV
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez