X

1.1K 35 3
                                    

(Zairee Hernandez 👆)

Kasalukuyan akong nasa Canteen at nakaub ob ang ulo sa mga braso ko hinatid ako ni Gab matapos naming mamimili at nag hihintay na lamang ako ng susunod kong subject

Bakit kanina ko pa hindi nakikita si Shane at ang fly Dragon? Hindi din pumasok si Shane sa klase nya, galit kaya sya sakin? Maganda na din siguro kung umiiwas sya Bulong ko sa sarili ko saka napabuntong hininga

"Ilabas mo yang nasa dibdib mo nakakamatay yan"

"Siguro nga" sagot ko

"Ano bes iinom na natin yan" panibagong boses na naman

"Tara" sagot pero nakaub ob padin, teka nga?sino bang kausap ko e wala naman akong kasama ?

Napatunghay ako at dalwang muka ang tumambad sakin dahilan para mapakunot ang noo ko at sila ang lapad ng ngiti

"Anong itsura yan girl?"

"Hindi nya kinaya kagandahan natin bes" rinig kong bulong nung isa sa kasama nito

"Sira, mas maganda pasya satin,hindi ako makakapayag" bulong din nitong isa natawa nalang ako, ano bang tinira ng mga to bubulong lang yung rinig ko pa

"Ano girl?! Tara na?!" medyo pasigaw na sabi nito sabay hila sakin ng dalwa patayo

"Teka-teka nga?! May klase pa ako eh" dahilan ko at hinila ko ang kamay ko pabalik

"Aw sos naman damayan ka lang namin"

"May klase nga ako" at muling umupo

"Alam mo kasi, minsan mag enjoy ka din wag mo masyado damdamin yung pag aaral mo, sige ka pag nag ka asawa kana, tingin mo magagawa mo pang gumimik?" bulong nito sa tainga ko, may point naman sya pero -,-?

"Tama girl at isa pa hindi naman tayo papagabi no" bulong din nitong isa sakin na nakaupo sa mesa

Hindi ko alam pero parang may angel at demonyong bumubulong sakin, ang pinag kaiba lang parehas demonyo

"Oke-"

"Tara na!" hindi pa nga ako tapos sumagot Hinila na agad nila ako palabas, nag pahila nalang ako wala din naman magagawa

Andito na kami sa labas ng University at hawak parin nila ang kamay ko sa mag kabila

"Wait nga lang, hindi ko pa kayo kilala e" reklamo ko at hinila ang kamay palayo kayat napatigil silang dalwa

"Ah yun lang ba, im Irish Macy, rish nalang" sagot nya

"And im Christine, Tine nalang" pakilala nilang dalawa at muling hinawakan ang kamay ko

"At ikaw pala" tanong ni Tine

"Ellise" maikli kong tugon at nag lalakad ulit kami, parang walang nangyare ano? Feeling close tong dalawang 'to.

"Oh my shit ang Gwapo Bes!" sigaw ni Macy

"Di kana nag sawa sa muka nyan bes" sagot ni Tine na ako naman nakatingin lang sa baba

"Diba Ellise? Hindi naman nakakasawa ang muka ni Nate?" Tanong nito

"Huh?" Hindi ko sila naintindihan e

"Isa pa to, napaka laki talaga ng problema , tara na nga at pag uusapan natin yan!" at saktong may dumaang taxi at sumakay na kami

Wala ako naintindihan sa sinsabi ng mga to puro lalaki ang pinag uusapan nila, dinadamay pa ako.

Sila ba ibibigay sakin ni God na magiging friends ko dito sa School na to, naman eh

--------------

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon