I

5.1K 73 25
                                    

Jen's POV

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saken pag labas ko ng airport , sobrang namis ko ang pilipinas kahit na tatlong taon lang ako nag lagi sa states pakiramdam ko sampong taon ako nawala

Inikot ko ang paningin ko at napapikit ng muling lumakas ang hangin, sobrang sarap lang sa pakiramdam na nakabalik na ulit ako sa sarili kong bansa buti nga napilit ko si mama kahit na kalhating taon lang ako dito

Muli kong inikot ang paningin ko, medyo madilim na, quarter to 5 na pala at may biglang gumuhit na mga ngiti sa labi ko, hindi ko alam kung bakit gusto kong umuwe dito sa pilipinas para bang ang dami kong naiwan pero wala naman ako maalala? At isa pa gusto ko din ng kalayaan

Haist naalala ko susunduin ako ni Khy yung nakababata kong kapatid well 18 na sya, isang taon lang naman pagitan namin

Napadako ang mga mata ko sa isang cafe restaurant doon ko nalang siguro aantayin si Khy

Bzzt...Bzzt...Bzzt
Khy's Calling

Eto na pala tumatawag na sya

"Khy nas-"

"Ate hindi kita masusundo ngayon ha!? Sorry-" putol nito sa sasabihin ko

"At bakit Khy gusto mo isumbong kta ky mama!" Inis na sabi ko, kasi naman pagod ako

"May emergency lang kasi at alam mo pa naman bahay ko diba? sige na ate i love you.." parang nang aasar pa nyang sabi

"Khy!" tawag kong muli pero binabaan ako argh patay ka talaga saken! Kakadating ko lang, wag na wag ko lang matatagpuan bahay mo, napabulong nalang ako sa hangin

Ehh? limot ko na kaya bahay nya?
Muli kong binuksan ang cellphone ko para tawagan ang mabait kong kapatid

"The number you have dialled is out of-" pinag patayan talaga ako? gaano ba kahalaga ang gagawin nya? Yare talaga sya kay mama

Hindi na ako umorder dahil baka kabihin pa ko lumabas na ako at nag simula ng mag lakad malapit lang naman dito bahay ni Khy pero medyo limot ko na din, kasi ang pag kakaalam ko dalwang kanto lang dadaanan kaya kaya ng lakarin

Lakad lang ako ng lakad dahil gusto ko na ding makapag pahinga

Ahh!! San na ba kasi yun nagugutom na ko

Nilabas ko cellphone ko para tawagan si Khy na naliligaw na ko

'The subscriber cann-"Khy naman eh! asar kong binagsak ang cellphone ko 30 minutes na ko nag lalakad gutom na talaga ako at gusto ko na din mag pahinga ganto ba ako i welcome ng magaling kong kapatid?

Nag lakad lakad nalang ulit ako, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, puro sasakyan na andito at wala ng gasinong tao kasi medyo madilim na talaga, hindi ako makapag tanong dahil limot ko na din ang exact address nya, hindi naman kasi ako madalas pumunta dun, mga dalwa or tatlong beses palang ako nakakapunta don

Tatawagan ko nalang ulit dahil gutom na talaga ako, sa bahay ko gusto kumain eh hindi ko trip ngayon sa labas

Khy's number
Dialling

Kringg ... Kring ... Kringg

Medyo nabuhayan ako na loob ng mag ring cellphone ni Khy,
Please Khy sagutin mo naman bulong ko sa sarili ko

"Ate nasan kana ba?!" sigaw nya ng sagutin ang tawag ko wow ha sya pa yung galit? Nakaka pikon ah

"Eh kung sana sinundo mo-" naputol ang pag sasalita ko ng may humigit sa cellphone at bag ko

Sobra akong nagulat pero kusa na din gumalaw ang katawan ko para habulin yung snatcher, paano na ko neto?

"Hoy !!" sigaw ko dun sa lalake humigit ng bag ko

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon