Jen's POV
Bzzt..bzzt
Kinapa ko ang cellphone sa ilalim ng unan ko at sinilip kung sino ang nagtext
From unknown number?
"Napaka saya mo naman pala jan, well see you soon.. Hindi mo gugustuhin ang mangyayare sayo..."
Napakunot naman ako ng noo.. Sino naman to?
"Oyy Tine" pag tatapik ko kay tine na mahimbing na natutulog
"Ahhmmm? Aga pa bes" pag angal nya
"Bes basahin mo to bilis!" pag pipilit ko
"Mamaya na.. Sakit ng ulo ko" pag tanggi nya ulit.. Kahit naman ako puyat, nasa bahay kami ni Shane dahil dito binurol ang labi ni tito
"Sandali lang 'to" napilitan syang bumangon at inagaw ang cellphone ko saka binasa ang text
"Oh? Anong problema sa message na yan?" binagsak nya ulit nya ang katawan nya sa higaan
"May pinag bigyan ka ba ng number ko?" pag deretsa ko
"Wala ano... Edi binaligtad ako ni Ken pag ginawa ko yun" napaisip naman ako dun, pero sino naman to?
"Baka naman si Gab" dagdag nya at napalaki bigla ako ng mata at sya napabangon ulit
"Patingin nga ulit" inagaw nya ulit ang phone ko.
"Hala si Gabriel nga yan, luh ka girl... Kakakilabot text nya" pananakot nya
"Sira.." nasabi ko nalang at natawa nalang sya .. bumangon nalang ako dahil nawala na din ang antok ko, 5 am na pala maaga na din.... halos 3 hours lang tulog ko
Puntahan ko nalang si Shane saka tinungo ang pinto at pagbukas ko.. bumungad sakin si Nate na nakasandal lang sa gilid ng pintuan
"Oh Nate.. Ano ginagawa mo dito?"
"Ahh wa-wala" tumango lang ako at nilag pasan ko nalang sya ng hawakan nya ko sa braso
"Ano ka-kasi dito ka muna" napatingin ako sa kanya
"Bakit Nate?"
"San ka ba pupunta?" iwas tingin nyang tanong, ako kaya unang nagtanong
"Puntahan ko sana si Shane, alam kong walang tulog yun kakabantay sa Dad nya" sinagot ko nalang ang tanong nya, saka binawi ko ang braso ko na hawak nya
"Te-teka lang" hinabol nya ko pero nag derederetso lang ako.. May problema kaya?
Pag baba ko ng hagdan nakita ko si Zairee at Shane na mag kayakap, para naman akong naestatwa at may kung anong kumurot sa dibdib ko
Tumingin ulit ako kay Nate, na nag kakamot sa batok nito
"Eto ba?" tanong ko at tumango sya
Binalik ko ulit ang tingin ko sa dalawa, na nakatingin na sa labi ni tito habang si Zairee nakayakap sa likod ni Shane,
"Jen..." pag tawag ni Nate, napatitig na pala ako sa dalawa kaya bumalik ulit ako pataas at mukang naka gawa ako ng ingay.. Inalalayan naman ako ni Nate at bago pumasok sa loob ng kwarto ay sumulyap pa ulit ako
Naka tingin sakin si Zairee at naka agaw ng pansin sakin ang pigura nya.. Nakangiti sya sakin at napababa ang tingin ko sa nakaumbok nitong tiyan
Kasabay ang pag hila sakin ni Nate papasok sa loob ng kwarto ni Shane

BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez