Jen's POV
Umupo ako sa kama ni Shane at napatingin sa pictures nila ng mga barkada nya lahat sila may itsura lalo na si Shane , oo aaminin ko gwapo naman talaga sya may kasamaan lang talaga ng ugali.
Mamaya maya pa ay nag bukas ang pinto at iniluwa nito si Shane dahilan para mapatayo ako at ngumiti.
"Anong nakakatawa?" malamig nyang tugon at napasimangot nalang ako
"Ah Shane gusto ko lang kasi sana mag pasalamat bago man lang ako umalis" nakangiti kong sabi habang nilalaro ko ang mga daliri ko
"Salamat? Paano yun hindi ako natanggap ng salamat? sa panahon kasi ngayon wala ng libre" nakangisi nitong saad habang sinasabi iyon , kumunot ang noo ko at napataas ang isang kilay
"So what do you mean? Shane?" hihi gusto ko talaga ang pangalang shane ang cute at isa pa natutuwa ako kapag nag sasalubong ang kilay nya sa tuwing binabanggit ko ang pangalan nyang Shane
"Ahh! Ano ba tigilan mo na nga pag tawag mo saken ng Shane!" kasabay ang malakas pag sara ng pinto kaya napaatras ako
"Bakit ba a-ang ganda nga eh SHANE" muli kong banggit ayaw ko mag pakita ng takot sa kanya ewan ko ba basta pakiramdam ko kilalang kilala na sya at panatag ako na kasama sya
Lumapit sya saken at tinignan ako mula ulo hanggang paa kasabay ang pag ngiti nya ng napakalapad
"Maganda kana man , sexy pero teka may kulang eh" sabi nya at tinititigan ako habang umiikot sya saken ,
"Hoy! Hoy ! Shane ha kung ano mang binabalak mo ! Sige sisigaw ako !" banta ko at napaatras muli habang dinuduro duro sya
"Tss you're not my type" malamig na tugon nito
"Okey , hindi din kita type" sabi ko at umirap sa kanya na akmang aalis na pero napatigil dahil hinawakan nya ko sa braso
"At san ka pupunta?"
"Ano ba Shane aalis na ako" hinila ko ang braso ko palayo pero masyadong mahigpit ang pag kakahawak nya. Hindi na din ako komportable
"So ganon nalang yun?" Tanong nito
"Tinulungan mo ako dahil may kapalit?" Malamig na tanong ko din
"Maybe yes, maybe no" agad nitong sagot
"Tss ano ba kasi ang gusto mo?!" inis kong tugon habang hawak parin nya ang braso ko , hinawakan ng dalawa nyang kamay ang mag kabilang balikat ko para iharap sa kanya , binitawan nya ako at muling tinitigan mula ulo hanggang paa at napaiwas naman ako ng tingin
"Alam mo ikaw? Kanina kapa eh!" sigaw ko
"Nagtataka lang ako , dalawa pala likod mo" nag init ako sa sinabi nya
"MANYAK?! Sigaw ko at binato sya ng bagay na madadampot ko malas lang nya dahil madamihang susi ang naibato ko sa kanya , mabigat yun at natamaan sya sa noo dahilan para mapaupo sya sa kama nya at mapahiga , nakonsensya naman ako dun kaya agad ko din syang nilapitan
"AHH! OUCH!! ganyan mo ba ko pasalamatan? Ha?" angal nito at hinihimas ang noo
"Tsk ang manyak mo kasi" sabi ko habang tinutulungan sya pa upo , nakatitig lang ito sa akin kayat napatingin din ako sa kanya napaka lapit ng muka namin dahil ramdam ko ang mabango nyang hininga muli ko syang tinulak at nakita ko ang nag pipigil nya ng tawa
"Aalis na ako" agad akong tumayo at patakbong lumabas ng kwarto nya ,at ng makalabas naisandal ko ang likod ko sa may pintuan nya *dug dug dug* napahawak ako sa dibdib ko , ano ba to bakit sobra namang lakas ng tibok ng puso ko, hinahabol ko muna ang hininga ko at pinapakalma ang sarili *inhale - exhale* *inhale - exhale* inhale - exha....*
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez