Jen's POV
"Kung hindi ko pala nalaman balak mo ba talaga ipaalam sakin? O si Gabriel ang ipapakilala mong ama ng anak ko?" Nakatitig sya sakin samantalang ako hindi makatingin sa mga mata nya, nandito kami sa kwarto nya at mahinahon naman syang nakikipag usap hindi lang nya talaga maitago ang sakit dahil sa pag lihim ko dito
"Inamin ko naman kaagad kay Gabriel gusto ko lang na walang maging problema kapag pina alam ko sayo ito" pag amin ko din ng totoo
"Balak mo ngang sumama sa kanya hindi ba?" Parang ayaw nya pang maniwala
"Oo pero ng malaman kong pineke pala nina papa ang kasal namin nabuhayan ako ng pag asa na magiging masaya parin pala ang buhay ko" lumambot naman ang reaksyon nya dahil sa sinabi ko
"Sorry hindi naman ako galit, nag tatampo lang talaga ako" niyakap nya ako at pinag hahalikan ang buhok ko
"Shane alam mong mahal kita noon pa, sa dami ba naman ng pinag daanan ko gusto ko naman maging masaya at sayo lang ako sasaya ng totoo" hinaplos ko naman ang braso nya
"Hindi kita bibiguin dahil ikaw lang yung babaeng minahal ko.." yan na ang huling narinig ko kay Shane dahil sa pagod ay nakatulugan ko na sya
Nagising akong na may kaharap na munting Shane, napangiti ako at nakurot ang pisngi nito
"Teacher nagising po ba kita?" Tanong nito, pano naman kasi nakadungaw sya sakin na parang bang nag tataka
"Nagising ako kasi umaga na" nakangiti kong dahilan
"Tanghali na po teacher" napakagat naman ako ng labi
"Oww ganon ba?" Bumangon ako at kinalong sya, lalo ko tuloy namimis si Gabby, halos mag kasing edad lang kasi sila
"Teacher bakit hindi na po kayo nag tuturo samin?"
"Madami kasing problema si teacher, gusto mo ba mag turo ulit ako?"
"Opo teacher kasi namimis na kita" niyakap nya ako ng mahigpit kayat parang naiiyak ako ng walang dahilan, siguro sabik lang talaga akong makita ang anak ko
"Sige ganito kapag okey na yung problema ni teacher ako na ulit mag tuturo sa inyo" nag liwanag naman ang muka ni Eken sa sinabi ko kaya natawa na naman ako
"Promise teacher ha?" Tumango ako at muli na naman nya akong niyakap, napaka lambing lang talaga ng batang to na kinasalungat naman ni Gabby pano naman kasi nakuha nya ang ugali nya sa papa nya
"Halika teacher ang totoo pinagigising ka talaga sakin ni papa" tumayo sya at hinila ako sa kamay kaya napatayo na din ako
"Sabihin mo sandali lang at maliligo lang ako" pag pigil ko
Tumigil sya saka kumuha ng upuan at tumungtong don para mapantayan ako
Nag taka naman ako sa ginagawa nya kaya pinanood ko lang sya saka nya ako kinis sa mag kabilang pisngi
"Teacher mabango ka naman eh mamaya kana maligo dahil napaka mainipin ni papa" napanganga nalang ako sa pag iisip ng batang to kaya wala na akong nagawa kundi ang mag pahila na, wala man lang tingin tingin sa salamin at hindi parin nag hihilamos, ano ng hitsura ko nito
Pag labas namin ng kwarto para namang bigla akong nagutom sa mabangong ulam na nangangamoy sa buong bahay, hinila ako ni Eken papuntang kusina andun siguro si Shane
At mas lalo pa akong nagutom dahil sa eksenang naabutan ko, nakatalikod sya saka naka suot ng puting sando tapos naka boxer kitang kita ang ganda ng katawan nito.. nakakadagdag pa sa appeal nito ang suot na pink na apron na may design na strawberry
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez