IV

1.5K 48 3
                                    

Jen's POV

Nanatili na lamang akong tahimik at nakinig sa lesson ng prof namin katabi ko si Shane, may dalawa pa namang vacant sit pero dito ako naupo , pansin ko lang bakit ba pinag titinginan ako ng mga kaklse ko at saka mag bubulungan, sadya pang pinapakita saken napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa katabi ko

"Shane" muling tawag ko sa kanya, pero hindi parin nya ako pinansin napasimangot na naman ako at akmang tatayo para lumipat ng upuan, kasi mukhang ayaw nya naman ako katabi edi ayaw ko din sa kanya , bago pa ako makahakbang paalis ako hinawakan nya ang kamay ko at pinaupong muli nakatingin lang sya sakin at sabay umiwas , ano bang problema ng isang to

"Okey class dismiss" saka nag paalam na ang aming guro, na wala man lang akong naintindihan buti nalang at hindi sya nag pa quiz inayos ko na ang gamit ko at nakita kong nauna na si Shane lumabas ng classroom

Lalabas na ako ng harangin ako ng isang grupo ng mga babae apat sila, naka crossed arm silang lahat at yung kaharap ko ay nakataas naman ang isang kilay

"Ang lakas naman ng loob mong tumabi kay Ken kay bago bago mo" malamig nitong sabi sa akin, dahilan para mapataas din ang kilay ko

"So?" sagot ko at saka sila nag tawanan

"Ano lalandiin mo sya? Kawawa kana man at iniwan ka, lumayo kana lang para hindi ka masaktan" pang aasar nyang tugon

"Hahahaha" nag tawanan na naman sila sasagot pa sana ako ng dumating si Josh

"Anong ginagawa nyo kay Ellise?" tanong nito

"Oooh my gaad, bes si Josh oh!" sabi ng kasamahan nito at kinurot kurot ang isa pa nitong kasama

"Ahh...k-kinakaibiganin lang namin" nauutal nitong sagot

"Huh? Kanina lang pinapaiwas nyo ako kay Shane , hindi nyo naman sinabi na makikipag kaibigan pala kayo hehe" napakamot ako sa ulo ko at nakangiti kong tugon saka nilahad ko ang kamay ko

Hinawakan ni Josh ang Kamay ko at ibinaba "sa susunod Dianne wag na wag nyo ng lalapitan at guguluhin pa si Ellise , isa pa at makakarating ito kay Ken" derederetso nitong sabi sa mga babae at hinila ako palabas ng room

Naiwan ang mga babaeng na naka ngangaat bigla nalang akong naguluhan

"Josh, nakikipag kaibigan sila saken" angal ko dito at tumigil sya sabay harap sakin

"Ako na Ellise nag sasabi sayo kaibiganin mo na lahat wag lang sila okey?" paliwanag nito tumango lang ako bilang tugon at tumalikod na , sumabay naman ako sa pag lalakad sa kanya

"Pinapahanap ka saken ni Ken" panimula nito at napatingin sa kanya

"Bakit daw?" kanina lang wala syang paki alam sakin.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin hindi lang tingin kundi titig pa

Maya maya ay nakarating kami sa may second floor ng CL2 building buti naman at hindi pa ako tunaw tss

Nadatnan namin si Shane at mga kasama nito na seryosong nag uusap
Pumasok kami ni Josh ng tahimik at ako naupo sa tabi ni Shane dahilan para mapatigil sila sa pag uusap

"Here she is" sabi ni Shane na nakapatong ang mga kamay sa lamesa , may pag kain sa harap nya at bigla ako nakaramdam ng gutom hindi pa ako nag la lunch.

"Bakit ba ano yun?" Deretsa sa mata kong tanong

"Umalis na si Carlo bilang manager ng group, so napag desisyunan namin na ikaw ang papalit sa kanya" saad ni Nate

"Manager?! Anong alam ko jan?! At isa pa nagugutom na ako!" padabog na sabi ko at napatingin sa pag kain ni Shane

"Ayaw mo? Sige ayaw din sayo ng lunch , Luke isarado mo ang pinto" utos ni Shane dahilan para sumimangot ako

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon