Shane's POV
"Son"
"Tell me Everything about her dad, anong alam mo?" hindi na sya sumagot saka bahagyang yumuko
"Laki na ng katawan mo anak, kaya mo na siguro talunin si daddy mo sa bakbakan" bahagya syang tumawa
"Just answer my question, marami pa kong kaylangan gawin" iwas tingin kong sagot
"Mapatawad mo sana ako anak pero sana maintindihan mo" napatingin ako sa hawak nyang kahon na iniabot sakin kayat kinuha ko ito
"Malaki kana kumpara noon, sa ngayon kaya mo na syang ipag laban" pag kasabi ng mga salitang iyon ay tinalikuran nya ako
"Dad, ano ang mga ito" tanong ko kay dad habang hawak ang mga sulat at mga litrato ni Ellise, hindi ko maintindihan
Muli syang humarap at bakas sa muka nito ang lungkot sa mga mata nito,
"Halika sa sala dito tayo mag usap" sinundan ko sya papasok sa loob dahil nasa terris kami
"Alam kong mas madadagdagan ang galit mo sakin pero wala na akong pakialam" panimula nya ng maupo kami, at ako naman tinitigan ang mga litrato ni Ellise, napaka ganda nya at uniform ito ng highschool
"Matagal na kayong mag kasintahan ni Ellise anak" parang tumigil ang mundo ko sa mga narinig ko at mariing tinitigan si Dad,
"Nag karoon ng affair ang mom mo sa ama ni Ellise" napayuko sya sa mga sinabi nya at ako hindi maproseso ang mga sinasabi nya, bigla naman akong nakaramdam ng hilo pero pilit kong inaayos ang sarili ko
"Hindi ko maintindihan" litong lito ang isip ko ngayon
"Marahil nga anak, wala na akong balak pa sana ipaalam sayo ang lahat ng ito, pero ng malaman ko ang pag uwe ni Ellise at ang pag tatagpo nyo hindi ko alam"
"Anong hindi nyo alam! Dad bakit hindi mo sakin sinabi ha!' nag taas ako ng boses dahil sa inis na nararamdaman ko
"Nangako ako sa sarili ko na wala kang malalaman dahil ayokong mapahamak ka......pero nangako din ako sa sarili ko na kapag pinagtagpo ulit kayo ay hindi ko na ipag kakait sayo ang pag kakataon" nang hina ako sa mga sinabi ni Dad, ano yung mga napapanaginipan ko? Lahat ng iyon totoo? At ang babae si-si Ellise?
"First year highschool palang si Ellise ng ligawan mo sya, humihingi kapa sakin ng payo dahil wala kang alam sa panliligaw, tuwang tuwa kami ng mama mo sayo dahil napaka bata mo pa nung mga panahon na yun at hindi ka namin pinayagan ng mama mo dahil gusto namin mag focus ka sa pag aaral mo pero nag rebelde ka, napaka tigas ng ulo mo anak kaya hinayaan kana lang namin, hanga ako sayo anak kasi ilang taon mo sya sinuyo 4rth year highschool ka nun at 3rd year naman si Ellise ng sagutin ka nya" seryosong nakatingin sakin si dad at sinalubong ko din sya sa mga titig nya at nakikinig lamang, kahit na gusto ko ng umalis para kausapin si Ellise ay pinatatatag ko ang sarili ko
"Masaya kami para sayo kahit na ayaw pa namin"
"Pero hindi namin inaasahan anak na ang ipapakilala mo sa amin ay ang anak ni Gerald na nag mula sa pamilya ng mga Samien, nung mga panahon na iyon ay kaka ayos lang namin ng mama mo, gaya ng sabi ko anak nag ka affair sila ng ama ni Ellise kayat simula palang hindi ko sya tanggap sa pamilya natin dahil naalala ko ang kasalanang ginawa ng mama mo kapag nakikita ko si Gerald, ayoko ulit mapalapit sila o mag kita man lang sila at gaya din ng inaasahan namin ng malaman ito ng pamilya ni Ellise ay hindi rin tanggap ang relasyon nyo, kayat nag kasundo kami na pag layuin kayo pero sadyang mahal nyo ang isat isa na kahit sa bingit ng kamatayan hindi kayo mapag hiwalay" nakikinig lang ako sa kanya at kahit litong lito ay pinipilit kong intindihin
BINABASA MO ANG
Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)
RomanceIsang Aksidente ang nag hiwalay saten Pero ngayong pinag tagpo na ulit tayo ng tadhana hinding hindi na kta pakakawalan at hahayaang mawala pa Jen Ellise Samien ! --- Shane Ken Nervaez