VI

1.2K 46 2
                                    

Jen's POV

At eto na ang pinakahihintay ng lahat ang laban ng Fly Dragon , ayon dito sa schedule ng laban nila makakalaban nila ang Saint Paul University

Dito sa school namin gaganapin ang laban at hindi pa nag uumpisa ay nakakabingi na ang hiyawan ng mga babae, nasa dulo ako dahil nalate ako dahil kay julius , itago ba naman ang banner na ginawa ko pinag puyatan ko kaya yun -,- , kung hindi ko pa tinakot na susumbong ko sya kay mama haist. Mag karon ka ng kapatid na abnornal tsk

Mas lalong nag lakas ang sigawan ng mga babae ng lumabas ang Fly Dragon

"WOAH KEN BABE!! GALINGAN MO!!"
sigaw nitong nasa unahan ko tss sakit sa tainga

"NATE?! AKIN KANA LANG!!"

"JOSH!!"

"GO FLY DRAGON!!"

Ilan lang sa mga sigawan na naririnig ko, pag tingin ko sa Court nag wawarm na sila, hinanap ng mga mata ko ang pigura ni Shane kanina lang nasa court na din sya eh

Teka wala? Nasan yun maya maya nalang at mag uumpisa na ang laban nila ,tsk pasaway din ang isang yun bulong ko sa sarili ko at umalis ako sandali para hanapin si Shane

Pinuntahan ko sila sa headquarters nila pero wala sya dun muli kong nilinga ang mata ko san ba sya

Umalis na ako dun at tinungo ang Canteen wala din sya saan ba nag sususuot yung lalaking yun =,=

Pumunta naman ako sa room namin para doon naman sya hanapin, ng makarating ako pumasok ako sa loob pero wala namang tao

"Ah!" nagulat ako ng may humigit sakin palabas at mas nagulat lalo ako sa babaeng kaharap ko , eto yung babaeng nag punta sa bahay ni Shane , kundi ako nag kakamali si Zai to

Kumunot ang noo ko na nakatingin sa kanya

"Hinahanap mo si Shane?" tanong nito , tumango lang ako bilang sagot

Tinitigan nya ako mula ulo ang hanggang paa at ako naman nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka

Bahagya syang ngumiti ng mapait
"Ginawa ko naman lahat, binago ko ang sarili ko para sa kanya," may namuo na namang luha sa mga mata nya at saka yumuko

Lalapitan ko na sya ng bigla syang tumalikod at nag madaling umalis, may kirot na nabuo sa puso ko

Napabuntong hininga nalang ako, bakit nga ba hindi sya magustuhan ni Shane, maganda sya, napatigil ako sa pag iisip na may umakbay sa likod ko

Napatingin ako dito at tinitigan sya ng masama

"Ano ba Shane ginulat mo ko" reklamo ko dito

"Andito ka lang pala" sabi nya at bumitaw na sakin

"Ha? Kanina pa kita hinahanap Shane eh, saan ka ba nag sususuot?,mag uumpisa na ang laban oh" sabi ko at tumingin sa relo ko

"Akala ko hindi ka manonood eh" napakamot sya sa batok nya

"Pwede ba yun!" sabi ko at hinila na sya papuntang Gym, nag pahila naman sya saken hanggang sa sumabay na sya sakin sa pag lalakad, nakakaunti ang tao sa nadadaanan namin dahil halos lahat ay nasa gym para manood ng laban

Nang makarating kami ay samin nabaling ang tingin ng mga estudyante, siguro kung nakakamatay ang titig kanina pa kong nawala tss

Nag hiwalay na kami ni Shane at pumwesto ako sa may likudan dahil hindi na ako makasingit pa

"Sino sya girlfriend ni Ken?"

"Nag papatawa ka ba? Maid lang siguro yan" nag tatawanan nilang sabi na sadya namang pinaririnig sakin hindi ko nalamang iyon pinansin at hinintay na lamang mag simula

Make Her MINE AGAIN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon