Chapter 8: The Contract

1.1K 46 16
                                    

Nicole's POV~

"Oh!" sabi ko sakanya sabay abot ng papel na nanggaling sa bag ko. Clueless naman itong tumingin sakin na parang tinatanong kung anong gagawin nya sa papel na inabot ko.

Andito kami sa parking lot ng school. Dumaan kami sa gate sa likod para walang makakita na magkasabay kaming pumasok. Mahirap na! Baka madyaryo pa kami. -_-

"Psh. Basahin mo kaya?" iritadong sabi ko dito na ginawa nya naman.

"Contract? Anong gagawin ko dito?" nagtataka paring tanong nito saken.

"Kainin mo. Ts! Malamang! Pirmahan mo. Andyan na yung mga napagkasaunduan natin pati na rin yung mga nakakalokang rules and regulations mo. Pirma mo nalang kulang para maging official na ang contract na yan!" pagpapaliwanag ko dito at dali-dali nya naman itong pinirmahan.

Pagkapirma nya ay agad na ibinalik nya ito sakin at agad ko naman itong ipinasok sa bag ko.

"So official na ang pagpapanggap natin. And it lasted for 3 months only! Nabasa mo naman siguro yung contract diba?" tanong ko dito na sinagot nya naman ng malademonyong ngiti. -_- "Sinasapian na naman siguro to hayst." nasabi ko nalang sa sarili ko at nagmamadali ng lumakad papunta sa room namin.

Pagdating ko sa classroom namin, sinalubong agad ako ni Mikee ng hugs and kisses.

"Good morning Kylie!" masayang bati nito.

"Good morning din!" nakangiti kong balik dito.

Umupo kami sa pinakadulong upuan. Ako syempre sa may tabi ng bintana at si Mikee naman ay nasa harap ko. Ayaw kase naming magtabi dahil paniguradong magkukwentuhan lang kami at di kami makikinig sa prof namin.

"Good morning class! Our lesson for today is Verbal and Non-Verbal Communication. But before we go to another topic. Let's have a short recap of what we had tackled last meeting first. Ok. What is communication?" bati ng professor namin sa English 101. Si Ma'am Suzeth. Nasa mid-40 na siya sa tantya ko.

"Communication is a blah blah blah..." sagot ng classmate ko. Pero natigil kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at padabog na pumasok si Ezekiel. "Aish! Napakabastos talaga ng lalaking to! Buti nalang talaga mabait si Ma'am." nasabi ko nalang sa sarili ko dahil sa inasta nya.

"Good morning Nicole!" nakangising bati nito saken at sumubsob na sa arm tablet nya. Di ko namalayang umupo pala sya sa tabi ko.

Itinuloy ni ma'am ang discussion pero etong katabi ko tulog parin hanggang sa magring ang cellphone nya. "Di ba to marunong magsilent? -_- Haler! Nakakistorbo yang cellphone mo!" iritadong nasabi ko nalang sa sarili ko.

Akmang sisipain ko na sana siya para magising ng bigla siyang gumalaw at nakapikit parin ng sagutin ang tawag sakanya.

Di ko nalang sya pinansin at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa tinuturo ni ma'am nang biglang....

"Yes? Mr. Madrid? Do you have any problems or clarifications?" tanong ni ma'am sa katabi ko dahilan para mapalingon ako sakanya. Nakataas ang kamay nito at seryosong nakatingin kay ma'am.

"No ma'am! I'm just asking for your permission. May I go out with Ms. Padilla? We have an urgent meeting with our parents, so please ma'am? Can you give us permission to leave?" he pleaded. "Marunong pala to magplease? Pero teka! Ano daw? Ms. Padilla? As in meh? Oo malamang Kylie! Ikaw lang naman yung Padilla dito e." sabi ko sa isip ko.

Ma'am nod as an answer at nagulat nalang ako ng hawakan ako ni Ezekiel sa wrist at hilahin palabas. Buti nalang nahablot ko yung bag ko kundi pababalikan ko talaga sa kanya to. -_-

Nang makarating kami sa parking lot ay binitawan nya na ang wrist ko at nagmamadaling inistart niya yung motor nya.

"Sakay!" malamig pa sa yelo na sabi nito kaya naman napasakay kagad ako at mabilis nya itong pinatakbo papunta sa...

"Bahay namin? Anong gagawin namin dito?" tanong ko sa sarili ko na akala mo'y sasagutin ako.

"Baba!" sabi nito at agad ko namang sinunod.

"Anong gagawin natin dito? Bakit dito tayo nagpunta?" nagtatakang tanong ko dito pero di nya ko kinibo at hinila niya na ko papasok sa bahay namin. "Ts. Kanina pa ko neto hinihila ah? Namumuro na siya nako." naiinis na nasabi ko nalang sa sarili ko.

--

Ezekiel's POV~

Naiwan akong nakangiti na parang nakashabu dito sa parking lot. "Napakasarap talagang pikunin ng amasonang yon!" natatawang nasabi ko nalang sa sarili ko at nagsimula na kong maglakad papunta sa respective room namin.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom namin ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa.

*Bzzt. Bzzt*

1 new message

From: Andre'Bakulaw
#09*********

Brooo! Be ready! She'll be back soon! Very, very soon. :)

Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang text ni Andre kaya naman mabilis kong binalik sa bulsa ko ang cellphone ko at padabog kong binuksan ang pinto ng room namin at hinanap kagad ng mata ko si amasona at doon ako umupo sa tabi nya.

"Goodmorning Nicole!" nakangising bati ko dito at sumubsob na ko para matulog.

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone kong nagri-ring. At dahil inaantok pa talaga ko ay sinagot ko ito ng nakapikit pa.

"Hello baby! Bakit ngayon mo lang sinagot? Nasa school ka ba? Kasama mo ba si Kylie? Kailangan niyong pumunta dito sa bahay nila ngayon! Para masukatan kayo ng damit na susuotin niyo sa Engagement niyo. Kaya bilisan niyo!" excited na sabi ni mommy sa kabilang linya.

"But mom! May kla..." di ko natuloy yun sasabihin ko ng biglang sumingit si mommy.

"Edi magpaalam kayo! Sabihin mo emergency. Sige na baby! See you later. Ingat sa pagdra-drive ah? Ingatan mo yang fiancee mo. Iloveyou!" nang-aasar pang sabi niya.

"Ts. Fine! Whatever. Iloveyoutoo mom!" nasabi ko nalang at pinatay ko na ang tawag.

Pagtingin ko sa katabi ko, abalang nakikinig si Kylie sa prof. namin. "Kala mo talaga nakikinig siya e." natatawang nasabi ko nalang sa sarili ko.

Tuloy lang sa pagdidiscuss si ma'am hanggang sa magtaas ako ng kamay at napukaw ko naman ang atensyon nito.

"Yes? Mr. Madrid? Do you have any problems or clarifications?" nagtatakang tanong nito saken.

"No ma'am! I'm just asking for your permission. May I go out with Ms. Padilla? We have an urgent meeting with our parents, so please ma'am? Can you give us permission to leave?" I pleaded.

She nod as an answer. And I think yun na yung cue ko kaya naman hinila ko na palabas si Kylie.

Pagdating namin sa parking lot. Inistart ko agad yung motor ko at inutusan syang sumakay na agad naman niyang ginawa.

Pinaharurot ko ng mabilis yung motor. Pero kahit parang lumilipad na kami sa sobrang bilis ay parang relax na relax lang siyang nakaangkas sa likod ko. "Kakaiba talaga tong babae na to. Baka kung ibang babae tong kasakay ko niyakap na ko dahil sa sobrang takot." napangiti nalang ako sa naisip ko.

Pagdating namin sa bahay nila ay inutusan ko na siyang bumaba at sinunod nya naman ito habang di parin makapaniwala na nandito kami sa bahay nila.

"Anong gagawin natin dito? Bakit dito tayo nagpunta?" nagtatakang sabi nito. Pero imbis na sumagot, ay hinila ko nalang siya papasok sa bahay nila.

to be continue...

My DestinyWhere stories live. Discover now