Chapter 38: Revelation

381 10 1
                                    

Nicole's POV~

"Oo nga. Confirmed na sila nga yung tatlong kulugo! Si paru-paro (reffering to Black Butterfly) nalang at yung anino yung kailangan nating makilala." pagkumpirma ko kay Sanya. Tumawag kase ang bruha after kong masend yung text ko. Kaya kahit malamig ay napilitan akong lumabas para sagutin ang tawag nya. Mahirap na! Baka marinig pa ni Ezekiel ang mga pag-uusapan namin ni Sanya.

"Lagot talaga sakin si Rocco bukas! No secrets pala ah!" sabi nito habang pinapatunog pa ang mga daliri niya sa kamay. Nakarinig kase ko ng mga lagutok kaya I conclude na ganun ang ginawa nya.

"Hep! Hep! Chill ka lang bes! Kung ano man yang binabalak mo, please! Wag mo ng ituloy! Baka makahalata sila!" tumingin muna ko sa paligid bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko.

"Lalo na ngayon! Pina-imbestigahan din tayo ng boyfriend mo! I mean si Blood Rose and BlackJack kaya kailangan nating magdoble ingat! Delete all our conversations about the UB para safe ang identity natin. Alam mo naman! Walang sikretong hindi nabubuko!" halos pabulong na sabi ko. Tumahimik naman sa kabilang linya hanggang sa narinig ko nalang ang mahiwagang toot toot. -_-

Pashnea! Nakatulog na yata!

Bubuksan ko na sana ang gate ng biglang bumukas ito at niluwa ang pupungas-pungas pa na si Ezekiel.

"Why you're here? *yawn* I thought nandoon kana sa kwarto mo at tulog kaya di na kita ginising para magpaalam." tuloy-tuloy na pagsasalita ni Ezekiel. Pero di ko pinansin ang tanong nya.

Halos mamutla ko dahil sa iniisip kong baka narinig nya ang pinag-usapan namin ni Sanya.

"K-Kanina ka pa diyan?" di ko alam kung ilang laway muna abg nalunok ko bago ko nacomposed ang salitang yan.

I know! Ang random ng tanong ko pero kase... Arghhhhhh! Di na ko mapakali. Namamawis ang mga palad ko at nanlalamig narin ang buong katawan ko.

"Nope! Actually, Kakalabas ko lang." para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sagot nya.

Thanks God! Mukhang wala naman siyang narinig. Pero parang may kung ano sakin na ayaw maniwala. What if... Ay ewan sayo thoughts! Iwanan mo muna ko kahit ngayon lang.

"Sayo ba yun? *reffering to the motor*" nadivert naman ang isip ko dahil sa random na tanong nya. Di ko namalayan na nakapasok na pala ko sa gate.

"Uh-yeah!" yan lang ang nasagot ko.

"Ohhh. Now I know kung bakit di ka natakot nung inangkas kita." natatawang sabi pa nito.

"Sira! But honestly! Ang bagal mo magpatakbo. Nakakaantok umangkas sayo!" natatawa ko namang asar sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Naka tiger-look. :D

"Huy! Binagalan ko lang talaga kase nakaangkas ka. Baka pag binilisan ko, magulat nalang ako wala ka na sa likod ko." depensa nito. So defensive ah?

"Masyado ka namang defensive dyan! Sige na. Umuwi kana at matutulog pa ko kahit 1 hour lang." pinagtulakan ko na siya palabas ng gate kaya wala na siyang nagawa kundi umuwi na.

Papasok na sana ko sa bahay, nang maalala kong wala palang dalang kotse si Ezekiel nung pumunta sa bahay.

Kaya agad kong kinuha ang susi ng motor ko at mabilis itong pinaandar para sundan si Ezekiel.

Naabutan ko naman itong nakaupo sa may waiting shed habang naghihintay ng masasakyan nya.

"Hoy! Sakay na!" pag-uutos ko.

Napabaling naman siya sa direksyon ko at nanlalaki ang matang napatingin sakin.

"Wifey? Anong ginagawa mo dito?" di makapaniwalang tanong nya.

"Ts. Sinusundo ka! Naalala ko kaseng wala ka palang dala na kotse at baka mamaya pang 6 ang mga cab dito. So ano? Sasakay ka ba o maghihintay dito hanggang 6?" pagpapaliwanag ko.

"Wag na. Okay lang ako. Maghihintay nalang ako dito hanggang 6." sagot nito.

"Okay fine. Madali naman akong kausap e." binuhay ko na ulit ang makina ng motor ko at handa ba sanang umalis ng bigla siyang magsalita.

"Grabe! Di mo man lang ako pipilitin? Wala man lang Hubby, sumakay kana please. Hatid na kita. Tsk!" pagrereklamo nito habang sumasakay ng motor.

"Well. Naniniwala kase ko sa kasabihang wag pilitin ang ayaw, baka pumayag. Kaya sorry ko nalang!" natatawang sagot ko at mabilis ng pinaharurot ang motor ko.

--

At dahil 4 na ko nakatulog, absent ako sa dalawang subject ko dahil ngayon palang ako papasok.

Pagpasok ko sa room namin sa Algebra, bumungad agad sakin ang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa na si Ezekiel. Problema nito? -_-

"Hi Ky! I missed you!" biglang sulpot ni Mikee sa harap ko. Bineso ko naman siya at nginitian.

"I missed you too! Ikaw kase e. Masyado ka ng busy kay Andre!" pang-aasar ko sakanya. Sumimangot naman siya saglit at ngumiti kaya nagtawanan kami.

"Ehem!" singit ni... Nino pa ba? Edi ni Ezekiel.

"Nako! Kanina pa yan beastmode Ky! Kaya goodluck." natatawang bulong ni Mikee at bumalik na sa upuan niya.

Tumabi naman ako kay Ezekiel na naka-on ang sungit mode.

"Hey! Problema mo?" tinusok ko siya sa tagiliran kaya napaangat sya mula sa pagkakayukyok niya sa arm desk nya.

Seriously? Puyat ba siya? -_-

He gave me a blank stare then yumuko ulit.

Wth! May nagawa ba ko? Ano bang problema ng lalaking to? Bat ang sungit? PMS? Tignan lang natin kung kaya mo pa kong tiisin sa gagawin ko.

"Hi Aljur! Pwede ba tay---" di ko natuloy ang pagmomonologue ko dahil biglang bumangon ang monster. Pero imbis na matakot ako ay natawa pa ko.

"I gotchu babe!" I teased him habang walang humpay ang pagtawa.

"Shut-up!" sigaw nito at akmang yuyuko ulit pero pinigilan ko.

"Hep! Hep! Ano ba kaseng problema mo? Bat ang sungit mo? Meron kaba? Dinaig mo pa ko mag pms ah." tiningnan niya ko ng masama dahil sa huling sinabi ko.

"De. Seriously? What's your problem?" seryoso kong tanong.

"Bat ka ba kase absent ng dalawang subjects?" Ayun! Namiss pala ko. :D

"Alam mo namang puyat ako e. Kaya ayun napasarap ng tulog!" I shrugged my shoulder.

"Namissed mo tuloy yung dalawang quizzes." Grade concious talaga.

"Nagtake na po ko bago ko pumunta dito. Kaya wag ka ng magalit. Sorry na!" nagform ako ng heart na parang sign ng mcdo. Basta yun na yun. While saying "Sorry na"

"Tumigil ka nga. Di bagay sayo! Para kang tanga!" Ay grabe sya oh!

Maya-maya pa ay dumating narin ang prof namin kaya di ko na siya kinulit.

to be continue ...

--
A/N: Avisala! Hahahah. Inaamag na talaga to. Try ko mag-update ulit later. Hahaha. Enjoy reading guys! Kbye! :)

My DestinyWhere stories live. Discover now